Chapter 17 : Trip

22 0 0
                                    

"So kumusta ang living in?" tanong ni Chic.

Its almost 2 months na since lumipat ako kila Higs. Of course, I can't keep that to my girls. Kalahating taon ko na silang araw-araw kasama at talaga namang masasabi kong we're best of friends.

"Hmm. Okay, masaya at nakakatukso. Alam mo yung gabi-gabing may nakayakap sayo na Ooh-lam. Nakakanginig ng bahay-bata!" natatawa kong sabi.

"As in wala pa ring nangyayari?" tanong naman ni Gwen.

"Wala pa talaga. At alam niyo nakakabilib doon si Higs, hindi niya pinipilit. May tukso pero ang lakas ng control. Sobra!"

"Ang hindi ko pa rin mapaniwalaan ay nakadaupang palad na natin yung mga sikat!" sabi naman ni Jana. "Grabe, hindi ko rin maubos maisip na kaibigan ng jowa mo ang boss at isa ding share holder dito ang jowa mo! Destiny nga talaga kayo!"

"Oo nga! To think na pati pala si Sir Cerezo ay kilala nila. My gosh, at may saltik pala yun. Totoo yung sinabi ni Mr. Delgado, may painted portrait ka nga doon sa dating office ni Sir Cerezo. Nakakakilabot yun Red, yung nakatapat sa table niya yung nakangiti ka. Baliw na baliw siya sayo!" sabi naman ni Ems.

"Siguro talagang sinadya na makilala ko si Higs kasi nga ayon may darating na ganong klase ng tao sa akin. Siguro kung hindi si Higs, hindi ko na alam baka bangkay na ako ngayon."

"So anong plano mo, hindi ka na talaga nag file ng blotter?" tanong naman ni Jana.

"Hindi na. Sabi naman ni Onyx, as long as kasama ko sila walang mangyayaring masama sakin. Isa pa hatid-sundo na rin ako ni Higs. I think hindi na kailangan."

Tumango-tango na lang naman sila. "Nga pala hindi ba talaga kayo makakasama?" tanong ko.

"Hindi eh, alam mo na work." sabi ni Chic.

"Edi file kayo ng vacation leave. 3 days lang naman yon." sabi ko pa.

"Siguro madali kung katulad mo kami na kasama sa bahay ang big boss at jowa ang isang shareholder, yun panigurado makakasama kami." sabi naman ni Ems.

Napabuntong hininga na lang ako. Nagplano kasing mag-outing ang mga kasama ko sa bahay. Nataon kasi na sabay ang birthday ni Dana at monthsary namin ni Higs kaya ayun, 3 days daw kami sa Puerto.

Hindi rin pala madaling magkaron ng mayamang jowa! Ang gastos nila! Palaging may lakad!



***

"Ready ka na babe?" tanong sa akin ni Higs nang bumalik sa kwarto.

"Oo, ayos na ako. Ilalagay ko na lang itong rashguard ko sa maleta. Isa pa, bakit ang dami naman nating dalang damit? 3 days lang tayo doon diba?"

"Hindi ka pa ba nasanay? Ganto rin noong nakaraang buwan diba?" tanong niya at yumakap sa beywang ko.

"Ewan ko, hindi yata ako masasanay! Para akong artista, laging may lakad. Baka i-fire ako ni G sa trabaho! Puro ako lakwatsa!" nagkatawanan kami ni Higs sa sinabi ko, dahil malabong mangyari yun. Palagi naman kasing si G ang nagyayaya ng outing.

Pagdating namin sa baba ay nandon na rin ang anim. "Ay, grabedad! Pare, nasa langit na ba ako?" pakanta kong tanong. "Napapaligiran ako ng mga Diyos at Diyosa!"

"Hun, you're more beautiful than us. Kulang ka lang talaga sa height." sabi ni D.

"Ay, grabe siya! Matapos niya akong purihin nilait talaga ako? Babe oh, niaano ako ni D?" kunwaring sumbong ko kay Higs.

"Alam mo dude, itong girlfriend mo, minsan matured, minsan akala mo naman bata!" Sabi naman ni X.

"Ganto talaga X, kapag alam niyo na?" nakangisi kong sabi.

"Ano yun Red? Hindi namin alam!" si Yvonne.

"Kapag laging ulam ang katabi mo sa gabi!" May pataas taas pa ng kilay na sabi ko. Nagkatawanan na lang kami sa kung anong mga pinagsasabi ko.

"Alam mo Red, since dumating ka dito lagi ng masaya ang araw namin. Feeling ko nga bumata pa ako eh!" sabi naman ni Ice.

"Naku, sinabi mo pa. Gawin niyo ba naman akong source of entertainment eh. Pero don't take that bad. Masaya rin ako na kasama ko kayo at mas masaya ako kasi napapasaya ko kayo. Ma-emote ba? Pwede nang pang Maala-ala?" tanong ko at nagsitawa na naman sila.

"Tara na guys! Hindi mauubusan ng sasabihin yang si Red!" sabi ni G.

"Grabe din sakin si Sir. Parang di rin naman natutuwa sa akin. Babe oh!" nagtatawanan na lang kami na lumabas ng bahay.

"Ay! Ngayon ko lang nakita si kuyang driver, meron pala siya dito?" tanong ko habang pasakay ng van.

"He's a company driver Red." sagot naman ni G.

"Ah, I see! Good morning Kuya!" Bati ko naman sa driver.

"Morning po, Ma'am!" balik niya naman.

"Ay, wag niyo na po akong mina-ma'am. At wag na rin niyo po akong pino-po. Bata pa po ako. Ineng na lang!" sabi ko pagkaupo namin.

Naghagalapakan naman ang mga kasama ko pati si Higs at yung driver na naiiling pa.

"Dude! Halikan mo na nga lang yan nang manahimik. Wala talagang pahinga ang bibig niyan!" sabi ni T.

"Aba! Gustong makakita ng PDA. Sabi mo kasi T, be myself. Wala na kayong magagawa, hindi ko naman masabing magdusa kayo. Sino bang nagdudusa na tumatawa? Baliw lang ang ganon!"

"Oo, malapit na kaming mabaliw, buti hindi pa nababaliw yang boyfriend mo!" sabi naman ni G.

"Sinong nagsabing hindi pa baliw si Higs? Baliw na baliw kaya sakin itong babe ko. Diba ba babe? I love you babe. Maya mo na ako kiss ha, kahiya kay kuya!" Nagkahagalpakan na naman sila sa loob ng sasakyan.

Sandali lang ang naging byahe papuntang airport at itinahimik ko na rin muna ang bibig ko. Marami pang oras para mamaya. Baka bigla ng dumugo ang tainga ng tatlong boys sa kadaldalan ko.

Habang naglalakad kami sa airport ay pinagtitinginan kami. I mean sila pala. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kanila sa mga ayos nila at sa taas nila. Ako lang talaga ang maliit, pero hindi ko naman hinayaang pahuhuli ako sa dating. I have my beauty na hindi pahuhuli. Sino bang mag-a-kala na poor ako. Kulang lang ako sa height pero MA-GAN-DA ako!

Siyempre ang usual na get up ko, white fitted v-neck shirt na tinernuhan ko ng high waist blue ripped jeans. My hair is on a messy bun, at sa paa, my usual flats. Hindi ako gaanong mahilig sa heels.

I don't need make ups and I actually don't use any. Lip balm lang at face powder ay okay na ako.
Minsan sinabihan ako ni Ice na ilugay ko naman daw ang buhok ko, pero sabi ko ay sanay ako na nakapusod ang buhok ko. Sabi naman ni Yv minsan daw ay mag-heels din ako, shorts or dress. Wala naman akong mga ganon! Anyway, ano pa nga bang aasahan ko. Ang mga kasama ko sa bahay ay mahilig sa fashion, ako mahilig pero hindi ko naman ini-a-apply sa sarili ko.

I'm fine being simple. Walang hassle.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now