Chapter 9 : BadLuck?

27 0 0
                                    

Pababa na ako sa jeep para dumaan sa mall at bumili ng bagong phone. Kasabay ko na ulit si Jana na umuwi, dahil wala nang Rigs kupal na mag-de-date kuno sa kanya.

"Sure ka, ayaw mong sumamang mag chocolate cake?" tanong ko nang malapit na ang jeep sa mall.

"Hindi na Red, salamat. Tignan mo mugto pa mga mata ko. Matutulog ako ng maaga." Nakatawa niyang sabi.

"Oh sige pala, dito na ako." Bumeso ako at bumaba na. "Bye bitch! Wag mo ng isipin yon, hudas yon! Loveyah!"

"Loveyah bitch! Bye!" kumaway muna ako bago pumunta sa entrance ng mall.

Ngayon lang na naman ulit ako pupunta dito mag-i-isang linggo na, dahil isang linggo na rin namang wala si Higs. Walang libreng dinner!

Dumiretso ako sa gadget section pagpasok ko ng mall. At dahil hindi pa naman ganon kalakihan ang budget ko, tipid muna.

Bumili ako ng phone na maliit lang, simple lang 'keypad type'. Okay na rin yun para kahit madukot ulit hindi ganon kabigat sa loob.

At dahil ngayon lang ako ulit papasok dito pinuntahan ko ulit yung jewelry store. Pagpasok ko ay nasa inner corner si Bless, kung saan nandon yung necklace.

"Hi, Bless!" bati ko sa kanya.

"Hello Ms. Red, ay naku ma'am wala na po yung necklace na tinitignan niyo palagi. Nabili na po last 2 days lang."

Ouch! Wala na pala akong dahilan para pumasok dito.

"Ganon ba? Akala ko nandito pa. Thank you, uhm sige." sabi ko at umalis na ng store. I really need that chocolate cake now!

Sunod ko naman pinuntahan yung cake shop, pagtingin ko sa shelf, walang chocolate cake at ang sabi not available daw ang mga chocolate flavored cakes nila. Like what the hell?! Seryoso ba ang araw ngayon?!

At dahil walang chocolate cake, naisip kong mag halo-halo na lang. At para namang pinagsakluban ako ng langit dahil paglapit ko sa counter, paskilado rin ang 'NOT AVAILABLE' doon.

Naisip ko naman sa ibang chain at ganon din. Ano bang problema ng langit ngayon at parang ang malas ko yata ngayong araw na to? Ngayon pa talagang araw na to?!! Grrrrr!?!!

Lumabas ako ng mall na nakasimangot at tanging dala ko lang ay ang phone na nabili ko. Sumakay ako agad ng jeep at inabot ang bayad at nakasimangot pa ring nakatanaw sa labas.

***

Dahil sa sobrang pangit ng araw ko, hindi ko namalayang lumagpas ang jeep na sinasakyan ko. Kaya heto ako ngayon nilakad pabalik pauwi sa boarding house. Kamalasan, layuan mo ako! Peste ka!

Halos nasa tapat na ako ng boarding house na tinutuluyan ko ng biglang may nanahol na aso. Mukhang galit na galit ito dahil lumalabas pa ang gilagid sa pagtahol.

Tinitigan ko ng masama ang aso, mukhang dito ko pa maibubuhos ang pagkainis ko! "Kingina ka wag mo akong tahol tahulang aso ka! Ganitong bad trip ako baka makatay kita nang wala sa oras!"

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now