Chapter 40 : Taken

23 0 0
                                    

Napabangon ako sa pagkakahiga nang maramdaman kong natatakam na naman ako. Last pint ko na yung kagabi, ibig sabihin lang wala ng ice cream sa ref.

Napatingin ako sa bathroom, naliligo pa si Higs. Kung hihintayin ko siya, mamaya pa ako makakakain. Ako na lang ang bibili tutal may malapit na store naman. Para makapaglakad lakad na rin.

Kinuha ko yung wallet na binigay sakin ni Higs nung dumating ang parents niya. Personalized wallet ito, ako lang ang mayroon. Ang sweet talaga ni boyfriend, gusto unique lagi ang ibinibigay. Walang katulad!

I put my hair in a bun and grab my wallet at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa baba si X lang ang nadatnan ko.

"X, uhm ano... Lalabas lang ako, punta lang ako diyan sa malapit na store. Bili lang ako ng ice cream."

"Nasan si Rave? Magpasama ka na lang sa kanya." sabi niya naman habang nakatutok ang mata laptop niya.

"Nasa bathroom pa eh, hindi ko na mahintay. Kanina pa ako natatakam. Saglit lang naman ako, ilang blocks lang naman."

"Ah, okay. Ingat ka diyan sa labas. Baka kuyugin ka!" natatawa niyang sabi.

"Sige, pakisabi na lang kapag hinanap ako ha?" hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako ng bahay.

Pagdating ko sa gate ay napabuntong hininga ako. "Nakaka-missed din ang simpleng life! Parang ang hirap masanay sa ganito." sabi ko sa sarili kong naiiling.

Naglakad lakad ako at patingin tingin sa mga bahay na nadaraanan ko. Lahat maganda ang exterior, maluluwag ang bakuran kaya naman walang makikitang pakalat kalat na tao sa labas.

Nang makarating ako sa store ay dumiretso ako sa freezer. "Mukhang wala pa yata." Hinalungkat ko namang mabuti. Nang wala akong makita ay lumipat ako sa kabilang freezer. Laking tuwa ko naman ng makita kong meron at nag iisa pa. Isasara ko na sana ang freezer ng may makita akong isang ice cream cone na isa pang flavor na hinahanap hanap ko. Strawberry!

Nang makuha ko yun ay dali dali akong pumunta sa counter para magbayad. Paglabas ko ng store binuksan ko yung ice cream cone at sinimulan ng maglakad pabalik.

"Ang sarap din maglakad lakad ng ganito, hindi mainit. Dami naman kasing malalaking puno dito." sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad at patingin tingin sa mga bahay.

Napahinto ako nang pakiramdam ko may nakasunod sa akin. Dahan dahan naman akong lumingon, pero wala naman akong nakita. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad ulit. "Guni guni ko lang siguro."

Paliko na ako sa kanto kung saan malapit ang bahay ng may humablot sa akin at takpan ang bibig ko. Nagpipiglas ako, ngunit nanghina ang pakiramdam ko dahil sa masangsang na amoy na tumatakip sa bibig at ilong ko.

Tuluyan ko nang hindi naikilos ang katawan ko dahil para akong nawalan ng lakas. "I missed you my beautiful Red." Ang huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan nang malay.

Nagising ako na may humahaplos sa mukha ko, napakunot noo ako. Hanggang sa biglang naalala ko yung nangyari.

Iminulat ko ang mata ko at nagulat ako sa nabungaran ko. "Na missed kita." sabi niyang nakangiti.

Nagsimulang manginig ang katawan ko, binalot nang takot ang pakiramdam ko at gusto kong tumakbo palayo. "Anong kailangan mo sa akin?" naiiyak na tanong ko. Lumayo ako sa kanya at sumiksik sa dulo nang kinahihigaan ko.

"Gusto ko lang naman mahalin mo rin ako, mahal na mahal kita." sabi niyang nakatingin lang sa akin. Umiiling lang ako at hindi ko na napigilang mapahikbi.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now