Chapter 7 : No Sex

35 0 0
                                    

After we ate at Tokyo, pumunta ako ulit sa jewelry shop. Hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang necklace na yon. It uplifts my mood and feels like everything's so light.

"So, iyan pala ang palagi mong ipinupunta dito?" tanong ni Higs na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Yup. At tsaka bakit ka pa sumunod dito sabi ko naman sayo hintayin mo na lang ako sa labas." sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang mata sa necklace.

"Why don't you just buy it para hindi ka na pabalik-balik pa dito?"

"Nah! Can't afford and I'm fine by just staring at it. Halika na." yaya ko sa kanya at hinila ko na siya palabas ng store.

"Bye, Bless. Thanks again!" paalam ko sa attendant na laging nag a-assist sa akin.

"No worries Ms. Red. Bye!"

Nag ikot-ikot na lang kami sa mall dahil hindi pa naman magsasara. Most of the time ay lalabas lang kami ng mall kapag magsasara na ito.

"So, you liked that necklace back there?" tanong ni Higs habang nakatambay kami sa third floor malapot sa escalator.

"Hmm, no. I love it!" sagot ko naman na nakangiti at nilingon siya bago ibinalik ulit sa mga tao sa baba ang tingin.

"Then why don't you buy it?"

"I can't afford it, so expensive!" napabuntong hininga ako. "You know Higs, there are things that at first you'll like it then you won't notice that you have already fallen in love with it. But no matter how much you want it, you can't have it because you just can't. Just like that necklace, I knew the very first time I saw it that I will love it, but I also knew that I will never have it."

Tahimik lang siya at patuloy pa rin kami sa pag tingin-tingin sa paligid. Ginawa na naming park ang mall.

"Siguro, mabo-broken heart ako kapag bigla na lang nabili yon. I can't call it a day if I can't get even just a glimpse of that necklace." natatawa kong sabi na napasulyap pa kung nasaan yung store.

"To that extent? Wow! How much is that necklace anyway?"

"You won't believe the price. That necklace back there cost 4 million dollars. Kahit siguro mamuti na lahat ng buhok sa buong katawan ko, hindi ako magkakaroon ng ganon kalaking halaga. Anyway, kuntento na ako dito sa nasa leeg ko." sabi ko habang hawak ang four leaf clover na pendant ng suot kong choker.

"Hmm, why do you have that kind of necklace? Is that some kind of a lucky charm?" tanong niya na napatingin sa leeg ko.

"Huh? Hindi ah! Wala lang gusto ko lang siya at isa pa sanay na rin ako na lagi itong nasa leeg ko. Pakiramdam ko kapag hindi ko ito suot, wala rin akong damit." natatawa kong sabi habang hawak-hawak ang pendant.

"Wow, you are a sentimental kind of person. You easily get used at everything. And almost everything that you get used to, matters to you."

Ngumiti lang naman akong tumango sa kanya. I looked for the time and its already 15 minutes before 9. Naisip kong ba-byahe pa nga pala ako mamayang madaling araw para umuwi sa probinsiya.

"I think we better get going. I have plans to go home at the province early tomorrow. I need to pack some clothes." sabi ko kay Higs.

"Alright, magsasara na rin naman ang mall. So like always, I'll drive you to where you're staying."

Nang makauwi na ako sa boardinghouse ay inayos ko na agad ang mga dadalhin ko pauwi. Ilang pares lang naman ang dala ko dahil babalik din naman ako ng Manila the day after tomorrow.

***

Nakahiga na ako para magpahinga ng magring ang phone ko. Nagtaka ako kung bakit tumatawag pa ito ng ganito ka late. It's almost 12 midnight.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now