"Sorry bitch, hindi ako pwede sa Saturday. May lakad kasi kami ni Higs. At isa pa, bakit ba lunes na lunes pa lang nakaplano ka na naman para sa Sabado?" tanong ko kay Chic habang kumakain kami ng lunch.
Hindi naman siya kumibo kaya napatingin ako sa kanilang apat. "Alam niyo, kayong apat akala niyo siguro por que lagi kong kasama si Higs hindi ko na kayo napapansin?"
"Ikaw, lagi kang nagyayaya ng night out pero kapag nandon na tayo, hindi pa man tapos ang gabi bigla ka na lang nawawala." sabi ko kay Chic.
"Ikaw naman Jana? Anong meron sayo, lagi kang aligaga at lagi kang wala. Hindi ka na sumasabay sakin pauwi. Minsan ka lang sumama samin lumabas pero nagmamadali ka pang umuwi."
"Ito namang si Gwen, araw-araw Biernes Santo ang mukha!"
"At ikaw naman Ems, mula ng umalis ang parents mo lagi ka na lang tulala? Ano bang mga nangyayari sa inyo?"
Wala namang sumagot sa kanila na parang hindi nila ako narinig at ipinagpatuloy lang ang pagkain.
"Speaking of Rave, 2 months na kayo diba? Wala pa rin ba?" out of the blue ay tanong ni Jana.
Napataas ang kilay ko sa kanya. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. At oo, wala pa rin! "Pwede Jan, wag mong ibahin ang usapan. Alam mo masama ang kutob ko diyan sa pagiging aligaga mo eh. Madalas pa naman tama ang hinala ko."
"Ano namang hinala mo? May importanteng bagay lang akong ginagawa." defensive naman na sagot niya pero sa pagkain pa rin nakatutok.
"Na nagkikita na naman kayo ni Rigs! Naku Jan, maghinay hinay ka! Mamaya iiyak iyak ka na naman diyan!"
Nabulunan ang loka sa sinabi ko at ayon hinablot ang tubig na nasa tabi ko. "Hindi na kami nagkita pagkatapos noon." Napairap na lang ako sa hangin dahil malakas talaga ang kutob ko sa kanya.
"Gusto ng Dad ko na ipakasal ako sa anak ng kaibigan niya." biglang sabi ni Ems, kaya naman napunta lahat ang tingin namin sa kanya.
"Bakit naman? Hindi ba sila pleased sa achievements mo? Kapo-promote mo lang noong nakaraang linggo diba?" tanong ni Gwen.
Bumuntong hininga naman si Ems at umiiling na hininto ang pagkain. "Yun na nga eh, they think that I already need to settle down since may achievements na ako. I know na pwede na, pero ayoko pang mag-asawa!"
"Edi sabihin mo na lang sa parents mo na may boyfriend ka at may plano naman kayong magpakasal in the far future." Suggestion naman ni Chic.
"Ayon pa ngang isang problema, sinabi ko na yan at hinahanapan nila ako ng boyfriend na ihaharap sa kanila. Eh wala naman akong boyfriend, sinong ihaharap ko?"
"Edi magboyfriend ka, or humanap ka ng lalaking mag po-post as boyfriend mo." sabi ko naman.
"Saan naman ako makakahanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend ko? 4 months from now ay babalik na naman sila Dad dito para i-engage ako sa anak ng kaibigan niya."
"Si Chic, baka maraming kakilalang pwedeng —"
"Flowers for my beautiful Red."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may bigla na lang sumulpot na bulaklak sa mukha ko. Dahil sa pinag uusapan namin at dahil nakatalikod ako sa entrance ay hindi ko makikita kung sinong pumapasok at lumalabas.
Napatingala ako sa nag-abot sa akin ng bulaklak. Kingina naman talaga! Anak ng makulit na pating!
"Sir Cerezo." sabi ko at tumayo ng hindi tinatanggap ang mga bulaklak. Napansin ko rin na naging tahimik ang buong caf.
Sa kalahating taon na nagtatrabaho ako dito, ilang ulit ko na nga bang ni-reject ang lalaking ito? Hindi niya pa rin ba talaga makuha na ayaw ko sa kanya?
Nakangiti naman siyang nakatingin lang sa akin. "I was gone for 2 months, na missed kita! Here, these are for you!" Iniaabot niya ulit ang mga bulaklak at may kasama pang dalawang boxes.
"Sir, I'm sorry but I can't accept that. Sabi ko naman po sa inyo, sa iba na lang kayo manligaw. Wala po kayong mapapala sa akin."
"I told you, I won't quit until you say yes."
"I already have a boyfriend, Sir. So please, you should stop courting me."
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya. "No one ever dared to reject me, do you know that? I always get what I want, Red. Always!"
Medyo nakaramdam ako ng kaba sa talim ng tingin niya sa akin pero tinatagan ko ang loob ko. "I've already told you from the very beginning Sir that I don't and I won't feel the same towards you. You're the one who keeps on pursuing me."
"You know what? I should fire you for talking back at me!" sabi niya at alam kong galit na siya. Pero nagpanting naman ang tainga ko sa sinabi niya. Ano?! Dahil lang busted ka? Kingina mo!
"Isn't that too unprofessional, Sir? You'll fire me because I rejected you? Then do it, I'm not afraid to get fired. I can always find another job."
Lumapit siya sa akin at tinitigan ako ng masama sa mga mata. "Then remember this, you'll regret that you rejected me! I always get what I want and I'll have it no matter what!"
Humakbang siya paatras nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. "Mark my words, Red. I'll have you, by hook or by crook!" Pagkatapos ay itinapon ang dala niya sa sahig at tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muli akong magsalita.
"I hope that you're aware that there are a lot of ears that heard what you said Mr. Cerezo. May mga bagay na kahit gano pa natin kagusto ay hinding hindi natin makukuha dahil hindi yon para sa atin. Simula pa lang Sir, sinabi ko na sa inyo na hindi ko kayo gusto at hindi ko kayo magugustuhan." Napahinto siya at bahagya akong nilingon, pero ipinagpatuloy pa rin niya ang paglabas ng cafeteria.
Nanlalata akong napaupo ng tuluyan siyang makalabas at nagsimula na rin ang bulungan sa paligid. God! Is he threatening me? I hope that he's not. God, I really hope!
Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko sa sagutan na iyon. Hindi ko inakala na aabot sa ganito.
"God, Red! Ayos ka lang?" Nag-a-alalang tanong ni Gwen.
"Ayos lang ako, don't worry." nahagyang nakangiti na sabi ko.
"Ginalit mo si Sir Dilbert!" Sabi naman ni Ems.
"Wala naman akong ginawang mali Ems. Totoo naman na una pa lang sinabihan ko na siya, diretsahan na sinabi kong wala siyang mapapala sa akin."
"Binantaan ka niya, Red. Dapat siguro magfile ka ng blotter." Sabi naman ni Jana.
Umiling lang ako. "Hindi na siguro kailangan yun Ja, sino ba naman ako para pag aksayahan niyang sirain ang pangalan niya diba. Isa pa maraming nakarinig sa sinabi niya. Kung sakali man, siya lang ang masisisi kapag may nangyari sa aking masama."
"Tingin ko dapat mo yang sabihin kay Rave." sabi naman ni Chic. "Boyfriend mo siya kaya dapat lang na alam niya kung anong mga nangyayari sayo."
Umiling na lang ako at hindi na kumibo pa. Hindi na dapat pang malaman ni Higs, at hindi na dapat pang magpa-blotter.
Siguradong mag o-over react na naman yon kapag nalaman niyang may ganitong nangyari.
Sana lang talaga ay hindi totoong nagbabanta si Mr. Cerezo. Sana talaga!
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."