We're already inside Galaxy at hinihintay na lang naming dumating sina Jana at Chic.
Ems and Jeff came here first at halos magkasabay lang naman kaming dumating ni Gwen.
"Jana texted already, pababa na raw siya. Sabi ko nandito tayo sa left inner corner." Pagpapaalam ni Ems.
We waited for Jana at ayon na nga siya papalapit. "Hey guys! Hello bitches, sorry na late ako. Nahirapan akong sumakay ng taxi." Bungad niya at bumeso sa amin nila Gwen. Tinanguan niya lang naman si Higs at si Jeff.
"Ano na daw nangyari kay Chic? Baka kung dati bigla lang nawawala ngayon naman indianin na tayo!" tanong ko naman.
"Ang last text na na receive ko sa kanya ay nakasakay na raw siya. Pero kanina pa yun, mag iisang oras na. Gaano ba kalayo ang Galaxy na to? Nasa outerspace?" Natatawang sabi naman ni Gwen.
"Let's just get a drink first, baka parating na rin yon." sabi naman ni Jeff kaya naman umorder na rin kami ng drinks.
"This place is also Tristan's." bulong sakin ni Higs.
"Seryoso, babe? Ano-ano pa bang sa kanya. Maliban sa Poison at BluBox at yung TriBar."
"Emerald, Genesis, TheLounge, BarClvb, Oasis."
"What?! Yun lahat ang mga sikat na bar and clubs. Kanya lahat yun?" tanong ko naman.
"Yup! At lahat naman ng mga bouncers at security ng mga yun ay under kay Onyx."
"Wow, talaga namang magkakasosyo kayo sa lahat no. Buti na lang hindi pati sa babae."
Natawa naman siya. "That was before, nung nag eexplore pa lang kami!"
"Sira ulo ka Higs!"
Nagkatawanan na lang kami at sinimulan na ring uminom nang dumating ang order namin.
***
Nasa kalagitnaan kami nang pag uusap nang dumating si Chic.
"Hello guys, Hi bitches! Sorry, I'm super late!" sabi niya at bumeso at dahil sa harot ay kahit na sa lalaki ay bumeso.
"Nah, bitch! You're not just super late. You're super duper to the highest level na late! What happened to you?! 2 hours late ka!" Sabi ni Gwen.
"Sorry—"
"Oh, no! No, no,no, no, no! You clearly knew na hindi tinatanggap ang sorry ng mga lates!" Sabi naman ni Ems.
"Alright! Fire me my punishment." Sabi naman ni Chic na humalukipkip pang umupo.
"Drink first bitch! You'll dirty dance later for being late!" Sabi naman ni Gwen.
"Okay, kanino? Kay Rave?"
"Kingina mo! I won't let you bitch! Namumula na naman yang hasang mo eh!" Nagkatawanan na lang kami dahil alam naman nila na hindi ko talaga hahayan si Higs kahit pa isa lang iyong game.
"Eh sino pala, ito kay Jeff?" sabay turo kay Jeff.
"Ay hindi rin pwede. Alam mo naman ang pinoportray namin." Sabi naman ni Ems.
"Wag mo munang isipin yun Chic, inom ka muna. Pampahalay ay este pampalakas ng loob!" Sabi naman ni Jana.
We ordered another rounds and rounds of our drinks. Nang medyo tipsy na si Chic ay nagyaya na si Gwen na pumunta sa dance floor.
"To whom I'm gonna pair with?" tanong ni Chic.
"Since Rave and Red are pair, Ems and Jeff, Jana and I will pair. I'll gonna point you who'll you dirty dance when we're already on the floor."
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."