Mabangong hanging umiihip sa mukha ko ang nagpagising sa aking diwa. Napakunot ang noo ko dahil parang may malambot na nakadagan sa akin.
"I love you..."
Napangiti ako. Gising na ang pinakamalambing na babae sa balat nang lupa! Iminulat ko ang mata ko at nakita ko siyang may maliit na ngiti at nakatingin lang sa mukha ko.
Inilapit ko ang mukha ko para mahalikan siya sa labi. Nakangiti pa rin siya habang magkalapat ang labi namin.
"Mahal na mahal kita Higs."
"Mahal na mahal din kita babe."
"Anong plano natin ngayon? Hindi natin napag usapan, masyadong naging busy." tanong niya. Sa tuwing araw na naging official couple kami ay lagi kaming may plano, ngayon lang wala.
"Ikaw babe, anong gusto mo?" tanong ko sa kanyang nakayap na sa beywang niya. Nakaunan na siya sa dibdib ko.
"Hmm... Hindi ko rin alam eh. Marami akong naiisip pero... Ewan." sabi niyang tumaas pa ang balikat.
"Nakapagpahinga ka na ba nang maayos? Hindi na ba masakit ang katawan mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na. Inubos mo lang talaga ang lakas ko." muli siyang humarap sa akin. "Mang aagaw nang lakas!"
Natawa ako sa sinabi niya kaya naman nakabig ko siya para halikan ulit. "I love you babe! Sobra!"
"Bangon na babe, baba na tayo."
Bumangon naman ako na nakayakap pa rin siya sa akin. Umupo kami sa kama at magkayakap sa ganong ayos. "Sobrang saya ko ngayon, Crim. Sobra sobra! Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang saya."
"Masaya rin ako ngayon, sobra. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganon mo na ako katagal na mahal. Paano mo nagawa yun? Mahalin yung taong hindi mo naman kilala, ni hindi mo nga nakasama. Sa loob ng dalawang taon. Paano?" tanong niya sa akin habang nakasandal ang ulo sa dibdib ko.
"Hindi ko rin alam, Crim. Pero ayoko nang alamin. Ang mahalaga sa akin ngayon, kasama na kita. Kilala na kita, nayayakap at nahahalikan, nakakausap. Minamahal mo."
Yumakap siya sa akin at sumubsob sa leeg ko. Suminghot? Umiiyak siya?
"Mahal na mahal na mahal kita, Higs. Wag kang mawawala sa akin, please."
Ihinarap ko siya sa akin at may luha sa mga mata niya. "Hinding hindi ako mawawala sayo babe. Kahit anong mangyari. You don't need to ask me, because even I, I don't want to lose you." hinalikan ko ang buong mukha niya. "Wag ka nang umiyak."
"Masaya lang ako, sobra."
"Masaya tayo pareho, sobra!" nagkatawanan kami at muling nagyakap.
***
"Anong problema niyang dalawa?" tanong ni Crim habang nakanguso kila Tristan at Onyx. Kahit ako ay hindi alam kung anong meron sa kanila at tahimik sila.
"G, anong drama ng dalawang lalaking 'to?" baling niya kay Garrett.
"Ewan ko, nahihiya siguro?"
"Nahihiya? Kailan pa?" tapos natawa siya. "Hoy! Kayong dalawang pogi! Kailan pa kayo nagkaron nang hiya ha? At ano namang kinakahiya niyo. Sa pogi niyong yan? May hiya pa kayo? Saan niyo isinuksok yon? Ngayon ko lang nalaman yun ah!" umiral na naman ang kadaldalan niya at nagpipigil na lang kami nang tawa dahil yung dalawa ay hindi makatingin sa kanya.
"Nahihiya kami sayo." sabi naman ni Onyx.
"Ha? Bakit kayo nahihiya. May kahiya hiya ba kayong nagawa?" bahagya siyang tumingin sa kawalan. "Wala akong matandaan!" umiiling pa na sabi niya.
"Nahihiya kami sayo kasi..." sabi naman ni Tristan.
"Kasi...? Ano?" tanong naman ni Crim.
"Dude, ikaw na magsabi." sabi ni Tristan kay Onyx. Kahit ako naguguluhan na din.
"Bakit ako? Ikaw ang nagsimula non, ikaw na magsabi."
"Bakit ako? Nagtanong ka rin naman."
Nagtuturuan na ang dalawa na hindi pa rin makatingin kay Crim. Nangungunot na rin ang noo ko sa palitan nila nang tanong.
"Seriously guys, I don't get what's with the two of you." Sabi ni Crim na pinaglilipat lipat ang tingin sa dalawa.
"Nahihiya yan sayo kasi yung topic natin last time na naibato sayo yung mga tanong about sex." Sabi naman nang nakangising si Garrett.
"So, what about it? Nasagot ko naman yung mga tanong niyo ah. Are you two acting like that kasi nagkwento na sa inyo si Higs? What? Nahihiya kayo kasi nalaman niyo kanina na intact pa ang V-card ko kahapon. Oo, kahapon. Kasi kagabi... Ah basta! Hindi ko talaga kayo ma-gets na dalawa." natatawa niyang sabi.
"Hindi mo naman kasi sinabi na intact pa, kaya tuloy..." sabi naman ni Tristan na bahagya lang tumingin kay Crim.
Humagalpak naman sa tawa si Crim. "Grabe kayo? Alangan namang ipagsigawan ko sa inyo diba? And from the very beginning, I told you guys that I'm not an innocent teenage girl who can't talk about sex. So anong problema niyo?"
"Bakit ba ganyan ka?" tanong naman ni Onyx. "Bakit ganyan yang girlfriend mo dude?"
"What? I'm just carefree! This is me and I don't like hassles. Limang buwan na tayong magkakasama dito, hindi pa rin ba kayo sanay sa akin?"
Natahimik naman kami, well totoo naman. She's very carefree at ayaw niya talaga ng hassle. She always wants everything to be light.
Bumuntong hininga naman siya. "Okay, ganito na lang. Since monthsary namin ngayon ni Higs, para mga walanghiya kayo... Este para mawala yang mga hiya niyo...." umaalog naman na ang mga balikat namin dahil sa sinabi ni Crim. Kahit ang dalawang hiya ay natatawa rin. "I-treat niyo kami, I mean tayo. Sagot niyong dalawa, let's have a group date and chill. Okay na ba yon?"
"Thanks Red. Talaga lang hindi namin alam kung panong—"
"No, don't mention it. Hindi niyo naman alam. Kahit naman si Higs hindi alam, kagabi lang. Don't stress yourselves about it. Sino ba naman kasing mag aakala diba, kung makapulupot naman nga kasi at makahalik ako dito eh kala niyo nagawa ko na ang lahat lahat. I'm just being me."
"You're incredible!" sabi naman ni Garrett.
"Yeah, I think I am. But hey, I'm not Elastigirl!"
"Shit! Nagsimula na naman siya!" Sabi ni Tristan at nagkakatawanan na naman kami.
"Kanina pa T, hindi mo pa alam?" natatawa namang sabi niya.
This is one of the things I love about her. She uplifts the mood of everyone around her. She is really one of a kind. I thank destiny for bringing her to me.
"Come on guys! Let's move para makarami tayo. Hindi ko hahayaan na tipirin tayo nitong dalawang 'to." sabi ni Crim at tumayo.
"Halika na babe, ligo na tayo!" sabi niya at hinila pa ako patayo.
"Red, wag mong butasin ang bulsa namin." Sabi ni Tristan.
"Hinding hindi ko bubutasin ang mga bulsa niyo. Pero sisimutin ko ang laman ng credit cards niyo!" Nagkakatawanan na naman kami dahil sa mga pabirong bato ng salita ni Crim.
"Thanks Crim!" Sigaw ni Onyx.
"Babe ko lang may karapatang tumawag sakin nang Crim! Hindi kita babe!" Humahalakhak na sabi niya.
Napapailing na lang ako at natatawa. Iba talaga! Ibang iba!
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."