Nang makarating kami sa Puerto ay merong kinuhang villa para sa amin. May apat din na rooms pero mas maliit lang ng konti. Maliit na dining at kitchen pati na rin sala. Pero lahat ng rooms ay may sariling toilets.
Nagpahinga na muna kami at mag late lunch na lang daw kami mamaya then after ay magsu-swimming na. Well sa totoo lang, hindi ako mahilig sa dagat. Ayoko sa dagat, as it reminds me of something at the back of my head. Pero paano ba ako makakatanggi sa mga kasama ko, 7 vs 1 ano ang laban ko diba?
Nagising kami ng mga bandang 2 P.M. at nagbihis na si Higs para mamaya. Papasok na ako sa banyo dala ang bihisan ko ng kumatok ang mga girls, bihis na sila. Grabe, sanay mag-display ng katawan! Naka two piece lang?!
"Hello touchy lovers!" Bungad ni Yv.
"Oh, girls? Need anything?" tanong ni Higs dahil siya ang nasa pinto.
"Sabay na daw kayo ng mga boys pumunta sa cottage, kami na ang kasabay ni Red." sabi naman ni Ice.
"Sige na babe. Sabay ka na sa kanila." sabi ko naman at lumabas na siya ng kwarto at pumasok na ang mga girls.
"Bihis lang ako girls ha, wait lang. Mabilis lang ako!" Sabi ko at isasara ko na sana ang pinto ng pinigilan ako ni D.
"Are you going to wear that?" tanong niya na nakaturo pa sa hawak kong rashguard.
"Uhm, yes! Why?" may pagtataka a tanong ko sa kanilang tatlo.
"Oh, nah dear! You're not going to wear that!" turo naman din ni Ice sa hawak ko habang umiiling-iling pa.
"Eh anong susuotin ko? Ito?" Turo ko naman sa suot kong jeans at shirt.
"This!" sabay abot sa akin ni Yv ng maliit na paper bag. Nakakunot naman ang noo kong binuklat iyon at nanlalaki ang matang ibinalik iyon kay Yv.
"No! I won't! Hindi ko carry magsuot ng ganyan!" it's a two piece red swimsuit! And I can't wear it! I just can't!
"You choose Hun, walk naked or wear that bikini? Come on, its my birthday!" sabi naman ni D.
"Hindi ba parang hubad din naman ako kapag suot ko yan? Tsaka dapat ikaw ang magsuot ng red, birthday girl!"
Nagkatawanan naman sila at pilit na ipinapasuot sa akin ang bikini. Wala naman akong magawa dahil 3 vs 1. Wala talaga akong laban.
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ko ulit ang bikini kay Yv at pumasok na ng banyo, hindi na ako nag abala pang i-lock iyon dahil pare-pareho naman kaming babae.
"Are you girls planning to kill my giant?!" tanong ko nang maisuot ko na ang bikini habang nasa loob ng banyo at nakaharap sa wall mirror.
Itinulak nila pabukas ang pinto at naka sideview naman ako sa kanila. Humarap ako para makita nila ang itsura ko.
"Oh my! You're hot!" Sabi ni Ice.
"God you can be a model!" Sabi naman ni D.
"I will make you a model!" sabi naman ni Yv.
"Ako? Model? Sa liit kong to, model?" natatawa kong turo sa sarili ko.
"Oo. Pero may kulang." sabi naman ni Ice na hinila ako palabas ng banyo.
"Ah, oo! Kulang ng cover up!" sabi kong nakaturo pa sa taas ang daliri.
"No you're not going to wear a cover up!" Sabi ulit ni Ice. "Girls, you know the drill."
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."