Chapter 2 : Higs & Crim

64 0 0
                                    

"I'm really sorry, Ms. Hindi talaga kita napansin."

Matapos akong matapunan ng frappe, and thank God it's just a frappe nagpalit ako sa restroom at itong higanteng oo, as in higante na sa tantiya ko eh 6-foot-something nakabuhos sa akin ng frappe eh nakaabang dito sa labas ng restroom.

"No, its alright. I'm fine, really. Hindi mo naman sinasadya. Hindi naman naibuhos lahat at buti na lang din hindi hot coffee ang dala mo. Okay lang ako." sabi ko habang inaayos ang sling bag sa right shoulder ko.

"I soiled your shirt, and that's not okay. What can I do to make it up to you?"

May kakulitan din pala si mamang higante. Sabi na ngang okay lang ako eh.

"No, don't bother, Mr. I really am fine. It's just a soiled shirt, I wasn't hurt. Okay?" Tapos ay naglakad na ako palayo sa kanya. I'm craving for something at pinag-iisipan ko pang mabuti kung kakasya ba ang budget ko.

"Anything you want, Ms. Please, just let me make it up to you." nakakailang hakbang pa lang naman ako kaya napahinto ako. May biglang bumbilyang umilaw sa ulo ko at napalingon sa kanya.

"Are you serious about that?" Tumango naman siya. Nilapitan ko siya, medyo napatingala pa nga ako kasi naman kataas, grabe.

"Please, Ms." Napapa-isip pa rin talaga ako sa gusto ko at sa offer niya. Mukha naman siyang yayamanin sa suot niya, baka afford niya.

"Hmm... Wala ka na bang ibang lakad Mr.?" Umiling naman siya kaya hinila ko siya sa braso. "Come with me."

At dahil natatakam talaga ako, dinala ko siya sa isang cake shop. "You said your serious, right? Don't worry, I just want to eat."

"Uh, okay?" itinuro ko yung triple chocolate cake at sinabi kong iyon ang gusto ko. Wala namang pagtanggi na binili niya iyon. Pagkatapos ay hinila ko naman siya sa isa sa mga fast food chain.

"I'll order and you'll pay. After this, we're even." Tango lang ang natanggap ko. Kaya naman nung ako na ang nasa harap ng counter ay in-order ko na kung anong gusto ko, siyempre for 2 nakakahiya naman kung para sa akin lang. Pagkakuha ng order ay siya na rin ang nagdala at nakahanap naman kami ng mauupuan na medyo may kalayuan nga lang.

Nang mailapag na ang mga pagkain ay inayos ko na iyon. Tapos ay inilabas ko sa box ang cake at humiwa ng dalawa.

"Why did you order for 2? Akala ko you just want to eat?"

Nginitian ko muna siya bago sumagot, pagkatapos ay umupo na sa kaharap niyang upuan.

"Of course, you paid for them. You should eat too. Mas masarap kumain kapag may kasalo. Tapos libre pa." Natatawa kong sagot.

Ngumiti na lang din naman siya at sinimulan ng kumain. Ganon na rin ang ginawa ko pero pasimple ko naman siyang pinag aaralan.

Matangkad, obviously. Well built, at base sa mukha niya, halatang may ibang lahi. Pero hindi naman mukhang kano. Pero ang mga mata, grabe parang black hole! Yes napansin ko yun

Pitch black or what they call raven eyes na parang nakakalunod! Matangos ang ilong. Hmm, mabalahibo ang braso. Siguradong pati hita, binti at dibdib! Ohh-la-la! 

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now