Last night was like the other night. Hindi ko pa rin pinayagan si Higs na tumabi sa akin and it will be the third night na hindi ko siya makakatabi. Well, he deserve that for touching me!
Nandito pa kami sa patio at nakikipagkwentuhan pa sa mga kasama namin. Pero dahil sa late na rin, naisipan ko nang magpaalam sa mga kasama namin.
"Guys, una na kami ni Higs, you know may pasok pa bukas. Baka masisante ako ni Sir kapag na late ako." natatawa kong sabi sa mga kasama ko.
"Mamaya na tayo umakyat babe. Okay lang kahit late ka na bukas, di ka sisisantehin niyan ni Garrett. Takot niya lang!" sabi naman ni Higs habang nakayakap na naman sa akin. Hah! Gusto mo lang sulitin na katabi ako dahil alam mong sa lapag ka na naman matutulog!
"Babe, hindi naman dahil kasama ko sa bahay ang boss at ang boyfriend ko ay may share sa kumpanyang pinapasukan ko eh pwede na akong ma-late or anything. Work is work babe."
"Okay lang naman ma-late siya diba dude?" baling niya naman kay G. Hanap ka pa nang sasaklolo sayo huh?!
"Tama naman si Red dude. Work is work. Baka nga naman pagod din ang babe mo." nakatawang sabi ni G.
"Tsk! Mamaya na kasi babe, please. Hindi pa naman ganon ka-late. 10 pa lang oh, 9 pa naman pasok mo bukas eh. Dito na muna tayo."
Tinignan ko naman siya sa mukha at tinaasan nang kilay. "Tsk!" Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Sabi ko nga eh, matutulog na tayo." Tumayo siya kaya naman inangat ko na ang braso ko para buhatin niya.
Pagyuko niya ay ipinulupot ko na ang braso ko sa batok niya pagkatapos ay hinalikan siya. "I love you, babe. Everyday." iniangat niya na ako kaya naman ipinulupot ko na rin ang binti ko sa beywang niya.
"I love you too, so much. Everyday!" sagot niya naman. Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko. "Miss na kita, tabi na tayo mamaya ha?" Hindi ko siya sinagot at binalingan ko na ang mga kasama namin.
"Night guys!"
"Night touchy lovers!"
Naglakad na si Higs papasok sa bahay habang buhat ako. Mas inilapit ko naman ang katawan ko sa kanya. "Mahal na mahal kita babe."
"Mahal na mahal din kita babe. Tabi na ba tayo matutulog?" Umiling lang ako kaya naman bumuntong hininga na lang siya.
Binabagalan niya naman ang pag-akyat sa hagdan. "Miss na kita katabi Crim. Please, tabi na tayo ulit. Hindi na ako hahawak hanggat hindi mo sinasabi. Please."
"Miss na rin kita katabi, Higs. Pero parusa mo yan. Bakit ka kasi nanghahawak.?"
"Akala ko kasi, pwede na eh."
Nakarating na kami sa kwarto at ibinaba niya na ako sa kama. "Darating din tayo diyan babe. Aaminin ko minsan gusto ko na rin, pero hindi pa ako handa. Hindi sana maging kabawasan yun sa nararamdaman mo sakin."
"Don't ever think that I will love you less because we still haven't done that yet. I understand babe, I know your rule from the very beginning. I can wait."
Hinalikan ko naman siya sa labi tapos ay bumaba nang kama. "Maglilinis muna ako tapos tulog na tayo."
"Magtatabi na ba tayo babe?"
Nasa pinto na ako ng bathroom nang sumagot ako. "Hindi pa rin."
Paglabas ko ng banyo ay nakapaglatag na si Higs sa lapag at nakaupo na lang doon. Nilapitan ko naman siya at umupo sa harap niya. Hinalikan ko siya na tinugon niya naman.
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."