Epilogue

53 0 0
                                    

"I missed you, Wife."

"I missed you too, Hubby ko."

Well talagang missed namin ang isa't isa dahil matapos malaman ng lahat na nag propose na si Higs ay agad akong tinangay ni Ry papuntang Italy.

Naenjoy ko naman ang one month stay ko doon. Sabi kasi baka mahirapan akong bumyahe kapag malaki na ang tiyan ko. Kaya hinayaan ko na lang sila sa gusto nila kahit na humabol pa si Higs ay hindi kami nagkita. Itinago ako nila Mommy Ella at Daddy Ian.

Ngayon lang kami ulit nagkita dahil magaling magtago ang mga kapatid ni Higs. Natatawa na lang ako sa mga pinag gagagawa nila wag lang makita ni Higs kahit na dulo ng buhok ko.

"I hope that she will look like you Crim. I want her to have brown eyes like you. And of course as sweet as you." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"No, I'm sure that he will look like you. Same raven eyes and as loving as you." Umiiling na sabi ko. He wants a girl while I want a boy.

Napalingon kami sa paligid ng magkalansingan ang mga kopita at kutsara kasabay ng sigaw ng mga bisita ng 'kiss'.

We got married today at lahat ay si Higs ang nag asikaso habang itinatago ako ni Ree at Ry sa Italy. As a gift, sagot ni G ang hotel. Si T naman ang nag cater and Yvonne made the suits and gowns.

Nakangiti naman kaming nagharap ulit and he gave me a long and loving kiss. This is one of the best and most happiest day of my life. And I'm sure na marami pang masasayang araw na darating kasama si Higs.

***

Pagkatapos sa reception ay agad naman akong isinakay ni Higs sa sasakyan. Hindi na yata makapaghintay!

Medyo kinakabahan ako dahil mula pagsakay namin ay piniringan niya na ako. Surprise daw ang wedding gift niya sa akin. Hindi naman ako makapaghintay kung anong gift iyon. Baka portrait na naman. Naked siguro! Hahaha!

"We're here! Wait lang wife, mamaya mo na tanggalin yan." sabi niya at naramdaman kong bumaba na siya sa sasakyan.

Inalalayan niya naman akong bumaba at napasigaw ako sa gulat ng bigla akong umangat sa ere.

"Ano ba naman Higs, magsabi ka naman. Kinakabahan na nga ako eh, bigla ka pang nambubuhat!"

"Sorry Wife, excited na kasi ako eh." Natatawa naman niyang sabi.

"Diba dapat ako ang ma excite Hubby ko? Para sa akin yung surprise diba?" natatawa ko ring tanong.

Hindi naman na siya sumagot basta nararamdaman ko lang ang mabilis na paglalakad niya. Balewala lang sa kanya ang bigat ko. Nasanay na laging binubuhat ako.

Maya maya lang ay huminto na siya at ibinaba na niya ako. Humalik muna ang loko bago tinanggal ang piring ko.

"H-Higs?" binundol ako ng kaba at takot habang kumakabog ang puso ko sa namulatan ko at napakapit ng mahigpit sa braso niya.

"This is my surprise for you Wife. Wag kang mag alala, I won't vanish into thin air. We're living in reality, this is not a dream okay?"

Napatango na lang ako habang kagat ang pang ibabang labi. Ang nasa harap ko ngayon, isang glass dome. Katulad ng nasa panaginip ko.

Iginiya niya ako papasok doon. Ang buong dome ay napapaligiran ng matataas na halaman at tanging ang glass roof lamang nito ang kita sa labas.

Katulad ng nasa panaginip ko ay may flower hedge din na siya namang nagsisilbing pinakapinto ng dome.

Nang makapasok na kami ay lalo akong napakapit kay Higs. Sa left side ay meron doong maliit na fountain at nababalutan ng napakaraming bulaklak ang kabuuan ng dome. Sa kanang bahagi naman ay may isang malawak na gazebo.

"H-Higs, wag mo naman akong pakabahin ng ganito. Please." sabi kong naluluha na.

"Shhh... Crim, ang panaginip ay isang panaginip lang. Hinding hindi ako mawawala sayo." sabi niyang yumakap sa beywang ko.

May inilabas siya mula sa kanyang bulsa na isang maliit na bagay at pinindot iyon. Maya maya ay umere ang malamyos na tugtugin. Lalo akong napaluha sa narinig ko.

Ihinarap niya ako at mariing hinalikan sa labi. "You don't have to be afraid Crim. I promise you, we won't lose each other. Katulad ng music na naririnig mo, we will be 'Forever In Love' with each other. Nothing will change in between us."

Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi na nakapagsalita pa. Takot at saya ang nararamdaman ko, ngunit mas lamang ang saya sa puso ko.

Hinila niya ako papunta sa gazebo at nangingiti akong humarap sa kanya. Ibang klase talaga ang higanteng ito! Kaya pala excited!

"Kaya pala madaling madali ang Hubby ko. Akala ko ba sa Maldives ang honeymoon. Bakit meron niyan dito?"

Ang lawak naman ng ngiti niya at kahit kagat ang pang ibabang labi ay hindi mapigilan. Sa gazebo na iyon ay may pabilog na kama na may pulang kumot at napapalibutan ng white and rose petals.

"Miss na miss na kasi kita Wife. Hindi ko na mahihintay pang lumipad tayo sa Maldives. I want you now. Kanina pa ako nagpipigil eh."

Natatawa naman akong yumakap at humalik sa kanya. Pagkatapos ay kumalas ako. Tinitigan ko siya sa mukha at kung anong saya ang nababakas doon ay ganoon din sa akin.

"Miss na miss na rin kita Higs. Simulan na natin ng makarami. Dali!" nakatawa kong sabi habang tinatanggal ang tie niya.

Nagkatawanan kami at hindi na nga kami nagsayang pa ng panahon. Isang iglap, para kaming sina Adan at Eba na nasa gitna ng paraiso.

"Mahal na mahal kita Crim, sobra!" sabi niya habang ihinihiga ako sa kama.

"Mahal na mahal din kita. Sobra sobra. Tama na ang satsat simulan mo na!" nakakagat labi kong sabi. Namiss ko siya sobra.

Hindi naman ako nagdalawang salita at sinimulan na nga niya ang pagpapaligaya.

"Happy Anniversary and Happy Birthday to us Reidessa. This is our own Paradise. I love you!"

"I love you too Ravael. Everyday!"

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now