Sa nilawak ng buong Manila, dito ko pa talaga masasalubong itong taong 'to.
Talaga nga naman oo! Mukhang tuwing nagke-crave ako ng cake lilitaw at lilitaw itong higanteng 'to!
"Kumusta ka na? Long time, no see. Told you, we'll bump at each other again!" Nakangising sabi ni Higs.
Bakit parang mas gumwapo siya lalo?!
"I'm fine. I have to go, Higs. Twas nice to see you again." sabi kong humakbang palampas sa kanya.
"Wait! Can I invite you for dinner? It's almost 8." pagpigil niya na humarang pa talaga sa akin.
Sabi ko na nga ba eh. Basta pagkain bigla itong lilitaw. Thank you Lord, libre na naman!
"Dinner you say? Sure!" agad na pagpayag ko.
"Where do you want to eat?" tanong niyang nakapamulsa habang may ngiti sa labi.
"Hmm... Actually I was planning to go in the food court to eat." nakaturo kong sabi kung saan papuntang food court.
"Food court then." lumawak ang ngiti niya at umalis na sa pagkakaharang sa akin.
Naglakad na kami papuntang food court. Nang mapadaan kami sa cake store ay bumili na ako ng cake. Actually si Higs na rin ang nagbayad.
Tapos ay dumiretso na kami sa food court. Nang makapamili na kami ay katulad noong unang beses kaming magkita, inayos ko rin ang pagkain namin at nag slice ng cake.
"Favorite mo ang chocolate cake?" tanong ni Higs. Pfft! Hindi ba obvious?
"Hmm... Yup! Actually I was craving for this that's why I went here to buy. It looks like every time I crave for one you will just pop out from nowhere." sagot kong nakatutok sa pagkain.
"Then, you should crave often. Anyway why are you here in Manila?" tanong niya ulit.
"Work." maikli kong sagot. Hello kumakain kaya kami.
"Where do you work?" tanong ulit niya. Sir? Interview ba to? Hindi po kasi ako na-inform.
"Somewhere near in Sta. Lucia." sagot ko pa rin habang patuloy lang sa pagkain.
"Uhm, okay."
Napansin niya siguro na naka-focus na ako sa pagkain kaya kumain na lang din siya. Konti lang naman ang in-order ko kaya madali rin kaming natapos kumain.
Pagkatapos non ay nagkamustahan pa kami nang konti. Tinignan ko ulit ang oras at nanlaki naman ang mga mata ko. Shit! 9 pm na! Ganon ba katagal kaming nag uusap nito?
"Higs, thank you for the dinner, but I really need to go. At kailangan na rin nating umalis dahil magsasara na rin ang mall." sabi ko na medyo aligaga na.
"Yeah, it's already 9. I can drive you at your place if you want to." Offer naman ni Higs.
"No, no! I'm fine. Thank you!" sabi ko pang umiiling.
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."