Chapter 31 : Hinding-Hindi

19 0 0
                                    

"Nagtaraki met gayam toy nobyom!"

Nakangiti ako pero hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin non.

"Papi, hindi siya nakakaintindi ng Ilocano." natatawang sabi ni Crim sa tabi ko, pagkatapos ay binalingan ako. "Gwapo daw at makisig ang boyfriend ko sabi ni Papi."

"Ah, thank you po, Sir. Kayo rin naman po." sabi ko na bahagyang nahiya.

This is the first time na makikiharap ako sa parents ng girlfriend ko. Though, si Crim lang naman talaga ang considered as my girlfriend. Those past relationships that I had is not like this with Crim.

"Naku anak, Mama at Papi na lang din ang itawag mo sa amin. Nobyo ka naman nitong anak namin." sabi naman ng nakangiting babae. Siya daw ang nanay ni Crim. Maganda siya at hindi halatang may edad na, pero kung pagtatabihin sila ni Crim, hindi sila gaanong hawig. At napansin ko rin na kahit isa sa kanila ay walang katulad ni Crim na may brown na mata o pulang buhok.

Napapaisip na tuloy ako. Hindi kaya adopted si Crim? Dahil kahit ang tatay niya ay hindi niya naman kahawig. Kahit ang dalawa niyang kapatid na lalaki.

"Alam ko na Kuya yang tingin mo." sabi ni Dustin na nakangisi sa akin. "Hindi ampon ang Ate namin." dagdag pa niya.

"Talaga lang kataka-taka na iba ang mukha niya sa amin. Siya lang kasi ang pangit sa amin!" sabi ni Reiko at nagkahagalpakan silang magpapalamiya, maliban kay Crim. Habang ako ay nagpipigil ng tawa.

"A-Reiko ha?" sarkastiko namang sabi ni Crim na humaplos pa sa dibdib niya. "Papi naman, bakit hinahayaan mong kutyain ako ng mga anak mo? Mama?" nagpapaawa pa siyang tumingin sa parents niya.

"Alam mo naman yang mga kapatid mo. Pero pangit ka naman kasi talaga." sabi ng tatay niyang nakangisi kaya hindi ko napigilan ang tawa ko.

"Tawa-tawa ka diyan!" masungit na baling niya sa akin at inirapan ako. "Mama! Si Papi oh! Pinapahiya niyo ako sa harap ng boyfriend ko eh!" nanghahaba na ang nguso niya at parang maiiyak na siya dahil tumatawa lang ang mama niya sa kanya.

"Takot mo lang mawalan ng boyfriend na gwapo no?" sabi ni Reiko. "Ikaw lang kasi Kuya ang naging boyfriend niya na gwapo." dagdag pa niya bago ngingisi-ngisi sa ate niya at sumubo ng pagkain.

"Tama ka diyan Rik!" sabi nan din ni Dustin na nakangisi din sa ate niya. "Mukhang tukmol kasi mga naging boyfriend ni Ate eh. Lalo na yung si Eris, ang sarap Eris-in ang mukha!"

"Mga tinamaan kayo ng lintek! Humanda kayo sa akin mamaya!" mukhang pikon ng sabi ni Crim na pinagtuturo ang mga kapatid niya.

Mukhang magaling mang-asar itong mga kapatid niya.

Pero parang hindi rin naman kapani-paniwala na ako lang ang naging boyfriend niya na gwapo. On how Crim look, I won't be surprise anymore kung may mga artista siyang naging boyfriend.

"Kumain ka lang ng kumain anak. Wag kang mahihiya. Pagpasensiyahan mo na itong mga to, at ganyan talaga yang mga yan." magiliw naman na sabi ng mama niya.

"Opo." sabi ko na lang at sinulyapan si Crim na masama ang tingin sa dalawang lalaki habang sumusubo.

***

Nang matapos kaming mananghalian ay magkakasama kami sa sala nila at nanonood ng T.V. Kahit naman inaasar kanina si Crim sa hapag ay hindi naman maitatago sa mga mukha nila kung gaano sila ka-proud sa kanya lalo na kapag yung commercial na unang ginawa niya ay lumalabas sa T.V.

"Halika, pakilala kita sa mga Uncles at Aunties ko." yaya sa akin ni Crim. "Pati na rin sa mga pinsan ko, isa pa lang nakikilala mo sa kanila eh."

Isa pa nga lang ang nakilala ko, si Rica.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now