Chapter 14 : Giant's Lair

18 0 0
                                    

After that incident in cafeteria, ay naging alerto ako. Dinagdagan ko na rin pati locks ng pinto ko.

These past days, I always look at my back, dahil pakiramdam ko palaging may nakatingin sa akin. Napaparanoid na yata ako, pero hindi ko naman maiwasan kahit pa hindi ko naman sineryoso ang mga sinabi ni Sir Cerezo.

Siguro ay talagang naapakan ko lang ang ego niya noong araw na yon kaya nakapagsalita siya ng ganon.

Medyo na late ako dahil natagalan pa akong makasakay kanina, may lakad pa naman kami ni Higs ngayon.

Nasa baba na ako ng boarding house at tamang ilalagay na sana ang susi sa gate ng may biglang humawak sa balikat ko.

Napatalon ako sa gulat at nabitawan ang susi pagkatapos ay napabuga na lang ng hangin at pinulot ulit ang susi.

"Ano ba naman Higs, wag mo naman akong ginugulat!"

"What? Hindi kita ginulat. Tinawag kita, hindi mo ako narinig?" binuksan ko na ang gate at pumasok na kami sa boardinghouse.

Hindi naman na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa pinto ko.

"You know babe, these past days nagiging magugulatin ka na. Is there anything wrong? Tapos dinagdagan mo pa itong locks mo."

Nairap na lang ako sa hangin at pinapasok siya. "Napasobra lang sa kape at dinagdagan ko yang locks ko para hindi ka na ulit mangulit sa kaka move in!"

"Kape? Kailan ka pa nagkape? Hindi ka naman nagkakape ah?" nagtatakang tanong niya.

Shit! Hindi nga pala ako mahilig sa kape! "Uhm, ano nagkakape ako sa work. Kapag lunch!" taranta kong sagot.

"Coffee at lunch? Isn't that unusual babe?"

"Ah basta, ang dami mong tanong. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko na lang para maiba na ang usapan.

"Hmm. Secret!"

"Secret, secret ka pang nalalaman? Magbibihis na nga muna ako. Diyan ka na muna. Teka, ano ba dapat soutin ko?"

"Just wear anything you're comfortable with." Sabi niya at umupo sa sofa.

Nagkibit balikat na lang ako at pumunta sa cabinet. Since sabi niya kung saan ako komportable, kumuha lang ako ng white printed v-neck shirt ko at isang acid washed skinny jeans. Like my usual attire. Lumabas na ako at nagbihis sa banyo.

Inayos ko lang ng konti ang buhok kong laging naka bun at naglinis ng katawam. Pagbalik ko sa kwarto ay ibinalik ko lang sa ayos ang mga ginamit ko at isinuot ang flats ko. Pagkatapos ay ready to go na.

"Halika na babe, ready na ako!" Tawag ko kay Higs. Tumayo naman siya at lumapit sa akin, pinakatitigan muna akong mabuti. Nakipagtitigan naman din ako sa kanya at napangiti.

Nakakalunod talaga ang mga mata niya, napakagat labi na lang ako at patingkayad na inabot ang labi niya. "I love you."

Ngumisi naman ang loko at hinalikan ako ng mas marubdob. "I love you too, Crim." Niyakap niya na lang ako at pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta. Well, lagi namang si Higs ang bahala kung saan kami kakain ng dinner.

Pero madalas sa kwarto lang kami, dahil mas gusto niya daw nakalingkis lang. Hanep! Di lang maamin na may simpleng pagka-maniac siya. Di na lang niya sinabing mas gusto niya akong maniac kin! Willing naman akong magpa-maniac! Awh! Landi!


BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now