Chapter 41 : Missing

21 0 0
                                    

"Where's Crim?"

Paglabas ko sa bathroom ay wala akong naabutan sa kwarto kundi ang bihisan ko. Akala ko nandito na siya sa baba, pero sila lang ang nakita ko.

"Ha? Akala namin nasa taas kayo pareho. Hindi namin siya nakita." sabi ni Yvonne.

"Lumabas siya, bumili daw ng ice cream. Hindi ka na nahintay kasi kanina pa daw natatakam. Halos kalalabas niya lang din." Sagot ni Onyx na biglang sulpot sa likod ko. May hawak na mga chips at soda, mukhang galing siyang kusina.

"Ah, okay." Sabi ko at umupo na rin sa couch.

"So, speaking of Red. Kumusta kayo?" tanong ni Dana.

"Ha? We're fine. Katulad pa rin naman ng dati." sabi ko na nagtataka sa tanong niya. "Why?"

"Hmm... Wala naman. Lately kasi parang may bago sa kanya."

"Bago? Katulad naman ng ano?" tanong ko.

"Katulad ng nagka-kape na siya ngayon at mahilig siya sa maanghang." sabi naman ni Clarice.

"And a bit weird." dagdag pa ni Yvonne.

"Sabi niya yun daw ang hinahanap ng panlasa niya. I don't find it weird. Nami-miss niya lang ang luto ng mama niya kaya lagi siyang kumakain ng maanghang." sabi ko naman.

"No, the weird thing about her is ayaw niya na ng chocolate. Pinagpalit ka nga niya ng pabango diba? And, the weirder is that strawberry na tinititigan niya lang or minsan isinasawsaw niya sa ketchup?" natatawang sabi ni Yvonne.

"And another, hindi na 'I love you babe' ang madalas niyang sabihin sayo. Kundi 'ang gwapo mo babe, ang gwapo gwapo mo'. Nalulong na si Red, dude!" tumatawang sabi naman ni Tristan.

"What? Gwapo naman talaga ako ah?" natatawang sabi ko naman.

"Dude, haven't you notice that she's really different these past days. Baka naman..." pambibitin na sabi ni Garrett.

"Baka naman ano?" tanong ko na natatawa pa rin.

"Oh my God!" biglang sabi naman ni Dana.

"Is she?" nakangiti namang sabi ni Yvonne.

"Maybe she is Rave!" sabi naman ni Clarice.

"What? I don't get you guys." sabi ko sa kanilang nakakunot ang noo.

"Man, maybe you two are having a baby. Ibang klase ang cravings niya. Halos oras-oras kumain ng ice cream!" sabi naman ni Onyx. "Ayon pa nga at hindi ka na nahintay."

"Maybe yes, maybe not." sabi ko naman. "But I guess its not. We're doing it only on her safest day. Maybe she's just exploring or what. I don't know."

"Maybe." sabi naman nila. Hindi ko na rin binigyan pang pansin yun dahil mukhang imposible naman.

Nagusap na lang kami ng iba pang mga bagay at hindi na ulit napag usapan pa ang mga kakaiba kay Crim. But in the back of my mind, napaisip din ako. I will be the happiest man ever alive if she is.

"Man, I think I need to check her. Hindi pa siya bumabalik." sabi ko ng mapansin kong kanina pa kami nag uusap ay wala pa siya. Tumayo na ako dahil medyo may kaba din akong nararamdaman.

"Tawagan mo na lang dude. Baka wala diyan yung hinahanap niya at lumipat sa kabila." Sabi naman ni Tristan.

"She left her phone. I'll just check her." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Hindi naman mawala ang kaba ko kaya imbis na ang plano kong hintayin siya sa tapat ng bahay ay nilakad ko na papunta sa malapit na store. Malapit na ako sa may kanto ng may makita akong mga gamit sa daan.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now