Chapter 38 : My Love

22 0 0
                                    

Kanina pa ako nakaharap dito sa salamin. Tinitignan ang itsura ko. Maayos naman, yung buhok kong nakalugay, naka short sleeves floral dress ako na umabot hanggang ilalim ng tuhod ko, tapos white flats. Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na!

I will be meeting Higs' parents and sisters tonight. Sabi ni Higs, pinauwi niya ang mga ito para ipakilala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.

"Let's go babe." Nakangiting sabi sa akin ni Higs. Nginitian ko lang naman siya nang maliit at humarap sa salamin.

Niyakap niya ako mula sa likod. "Baka hindi nila ako magustuhan, Higs."

"You are just fine babe. Magugustuhan ka nila. Sigurado ako."

Hinarap ko naman siya at yumakap sa kanya. "Natatakot ako, baka paglayuin nila tayo. Sabihin mo nang masama akong mag isip, pero hindi ko maiwasan. I am just a simple girl Higs. Wala akong maipagmamalaki."

Hinalikan niya ako sa buhok ko. "Don't think too much, Crim. They will like you. Okay?"

Tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto. Hindi pa rin mawala ang pag aalinlangan ko.

Hindi lang basta mayaman ang mga Kingsley, sa pagbigkas pa lang ng pangalan, ang salitang mayaman ay kulang para sa kanila. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag hindi nila ako nagustuhan. Sana lang talaga!

Hindi naman nagtagal ang byahe papunta sa bahay nila, no hindi bahay kundi mansion. Hindi ko alam kung paano ko idi-describe ang mansion na yon. Pero sa isang salita, it's grand!

"Wait here babe, tatawagin ko lang sila." sabi ni Higs at ipinaupo muna ako sa sala. Napailing na lang ako at inilibot ang paningin. Wala akong masabi sa ganda nang interior niyon maging ang mga gamit ay iba. They are a mix color of white and gold!

Napatayo naman ako nang makita kong paparating sila. Ang babaeng medyo may kaidaran na ay sopistikada ang dating. Taas ang noo at mukhang istrikta. Manipis ang labi at ang mga mata niya ay katulad nang kay Higs, it was black at matiim tumingin.

Samantalang ang lalaki naman ay hindi maitatangging ama ni Higs. Hulmado ang features! Pero ang mata, sayang hindi namana ni Higs charcoal grey. Mukha namang mabait.

"Babe, these are my parents. This is my mom, Rivela and my dad, Favian. Mom, Dad this is Reidessa, my girlfriend." pakilala ni Higs.

"Good evening sir, ma'am." Itinaas ko naman ang palad ko para makipagkamay. "It's nice to finally meet you." nakangiti ko pang sabi.

Pinakatitigan naman ako nang mom niya pagkatapos ay kay Higs, tapos sa dad niya. Ibinalik sa akin ang tingin at nginitian ako nang maliit.

"Nice to meet you too, Reidessa." kinamayan naman nila ako at pagkatapos ay niyaya na ako ni Higs na pumunta kami sa dining area.

Habang papunta kami doon ay may sumulpot na babae. Maganda at sa tingin ko ay maliit lang siya nang konti kay Higs.

"Hey there, brah! Long time no see!" So ate niya pala. Ang ganda! Nakakahiya naman sa akin!

Nagbeso sila at napatingin sa akin si ate. Naki ate agad! Napatitig siya sa mukha ko tapos kumunot ang noo, tapos tumingin kay Higs.

"Ree, this is Reidessa my girlfriend. Babe, one of my sisters. Reena."

Nakipagkamay naman ako at nginitian ko siya. "Nice meeting you uhm, Ate Reena?" patanong kong sabi.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now