Chapter 23 : Touched

18 0 0
                                    

After a long day ay nandito na kami ni Higs sa room. Like what we usually do bago matulog pinag uusapan ang kung ano-ano. Kung anong nangyari ng araw na yon at kung ano-anong mga plano.

"How about the modelling? What do you think about that, should we consider?" tanong ni Higs habang nakaharap patagilid sa akin at ang isang braso ay nakayakap sa beywang ko.

"I don't know, ikaw? Sa tingin mo dapat ba nating i-consider? "

"Para sa akin, yes."

"Why?" tanong ko naman.

"At least kapag under ka ni Yvonne, we can spend more time together. Hindi mo na kailangang everyday na papasok. Katulad ni Dana, minsan lang siya may shoot mas marami siyang free time. Except that she's also hosting."

"Hmm. Okay. Eh paano kapag bikini ang imo-model ko? Okay lang ba yun sayo? What if may kumuha sakin na magmodel with guy models, okay lang?"

"We'll talk about that with Yvonne. But I think, wala namang problema kung mag-model ka with bikinis basta wag lang masyadong daring. Though daring ang bikinis but that would be fine with me as long as kasama mo ako sa lahat ng shoot mo."

"Are you really sure about that? Kasi sa akin okay lang naman, ikaw ang iniisip ko Higs. You know D, she did some half-naked photo shoots with guy models. Okay lang kay X yun, pero sayo? I don't know really."

"I will be fine, basta wag ka lang didikitan masyado. At hahawakan!" tapos ay isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Babe, hindi maiiwasan na hindi dumikit at hawakan. Lalo na kapag medyo daring ang kailangan!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Magpapa double ako! Tsaka mas maigi na yon para lagi kitang mabantayan at masiguro ko na safe ka." Lalo naman akong natawa sa sinabi niya at hindi ko naiwasang hindi siya mahalikan.

Tinitigan niya akong mabuti at hinawi niya ang mga takas na buhok sa mukha ko. Parang pinag-aaralan niya ang buong mukha ko.

"I love you." Mahinang sabi ko sa kanya.

"I love you too, babe. So much!"

Hinawakan ko ang mukha niya at idinikit ang labi sa kanya. Pagkatapos ay muli ko siyang tinitigan. Pagkatapos ay sinimulan kong kumanta ng mahina.

Sumapit man ang dilim, hindi mangangamba
Magkakanlong sa dilim, hindi nag iisa
Dahil kapiling ka, ohh...

Lumalim man ang gabi, hindi mahihimbing
Nakatanglaw ang buwan habang binibilang
ang mga bituin

Ang luha at dahas ang nagdaang umaga
Sa lambong ng gabi, tila naglaho na
Ang luha at dahas sa darating na bukas
Ngunit habang gabi, walang mababakas ohh...

Yakapin mo ako, habang atin ang gabi
Habang atin ang mundo...

Humawak ako ulit sa batok niya at idinikit ang bibig sa tainga niya. "Hindi ako mapapagod iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Kahit sa anong paraan. Mahal na mahal kita Ravael, lagi mong tatandaan. Wag ka sanang mawawala sa akin."

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now