The ride from Manila to Zambales was tiring we stayed 2 days at home, and after that we travel again back to Manila.
I never thought being a model is this tiring at kailangan ko pang gumawa ng planner para lang masiguro kong maisisingit ko ang pag uwi sa Sta. Cruz. Akala ko naman na kapag gusto ko makakauwi ako agad. Dinaig ko pa ang CEO, dahil mahigit isang buwan bago ko pa magagawa ang mga bagay na labas sa pagiging modelo.
Nasa kwarto na kami ni Higs at nagpapahinga sa kama. Siya nakahiga, habang ako ay nakadapa sa ibabaw niya at nakahawak sa magkabilang tagiliran niya.
"Masaya ako ngayon, sobra." sabi ni Higs habang nakayakap sa akin ang kanang braso niya at sinusuklay naman ng kaliwa ang buhok ko. Nakaunan lang ako sa dibdib niya. Pinapakinggan ang tibok ng puso niya at ang paghinga.
"Bakit naman?"
"Dahil kasama kita, at nakilala ko na rin ang pamilya mo. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan ka!" Nakatawa niyang sabi.
"Anong ganito ako? Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noo kong tanong na hindi siya tinitignan.
Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "Kung bakit sobrang lambing at napaka jolly mo. Ang swerte ko talaga sayo!"
Ngumiti lang naman ako at ikiniskis ko ang pisngi sa dibdib niya. Tahimik lang kami sa ganong posisyon, pinakikinggan ang paghinga.
"Reidessa..."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Sa tagal natin, ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko." nakangiti kong sabi. "Ang sarap pakinggan."
"Why do you love me babe? Not that I'm questioning your love for me, until now I just can't believe that I can get so much love like this." tanong sa akin ni Higs.
Umangat ako para magpantay ang mukha namin. Itinukod ko ang isang siko ko sa gilid ng ulo niya. Nakangiti ko siyang tinignan sa mukha at nakatingin din siya sa akin. Tumungo ako at dinampian ng halik ang labi niya.
"Why do I love you? Honestly, I don't even know why. Basta ang alam ko mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin." Sabi ko kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Ihiniga ko ang ulo ko kapantay ng mukha niya, habang nasa kisame lang ang tingin niya at nakikinig. "Alam mo ba, para kang message in a bottle na palutang lutang sa dagat. At kung bakit sa nilawak lawak ng dagat, sa dalampasigan kung saan pa ako nakatayo ka napadpad. Hindi ko rin naman inakala na mamahalin kita ng ganito kalalim, basta isang araw nagising na lang ako na hinahanap-hanap ang presensiya mo. Mahal na pala kita." Natawa ako nang mahina.
"How about you Higs, when did you found out that you love me?"
Ihinarap niya naman ang mukha niya sa akin. Umayos na rin ako at umalis sa ibabaw niya at nahiga kaming nakatagilid at magkaharap. Tinitigan niya muna ang buong mukha ko, inipit sa likod ng tainga ko ang ilang hibla nang takas na buhok.
"I guess I fell in love with you the very first time I saw you."
Napangiti ako. "Love at first sight? Hmm... Isang taon na rin nung una tayong magkita. Ang tagal mo na pala akong mahal." natatawa kong sabi.
Dinampian niya nang halik ang labi ko pagkatapos ay tinitigan ulit ako. "No, 3 years ago. Sa airport."
Napakunot ang noo ko. "Nagkakilala na tayo noon?"
"Hindi pa, pero nagkita oo. Hindi mo lang siguro maalala."
Hindi pa rin ako kumikibo, bahagya akong tumingin sa kawalan, inaalala ang nangyari 3 years ago bago ako umalis.
"Sa departure area kita unang nakita, nakatabi pala. Nakaupo ka noon, but you were busy with your phone. Umupo ako sa tabi mo, you look at me a bit and smiled then you turned your attention on your phone again. You were sitting beside me but you're facing me. I was mesmerized by your smile my eyes was glued on your face."
Pinadaanan niya nang thumb ang labi ko. "I never thought I will be given a chance to taste this lips." then he planted a kiss to my lips.
"Then, someone called on your phone you answered it smiling. My eyes never left your face that day." Bumuntong hininga siya sa harap ko at naamoy ko ang mabangong hininga niya. "But my heart sank when I heard what you said to the person you're talking to. Sabi mo sa kanya 'Oo mag iingat ako, makakabalik ako ng maayos kasi pakakasalan pa kita'. I was surprised na malaman that you speak tagalog. I thought you were just a tourist that have finished your vacation. Hanggang sa umayos ka ng upo noon. Nakasunod pa rin ang tingin ko sayo noon kahit nakatagilid ka na sa akin. You heaved a deep breath and smiled and at that moment, my heart thumps so loud like it wants to get out of my ribcage. Tumayo ka noon and I realized that your flight was called already. You said, 'This is it bitch! Bye Philippines, see you in two years!' then you started walking to the boarding area."
Nakatingin lang ako sa mukha niya at pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Kung ganon, matagal na! Tatlong taon, dalawang taong hindi niya ako kilala pero minahal niya pa rin ako!
"Hindi ko rin naman inakala na makikita pa ulit kita pagkatapos non. I looked on your hand automatically when I noticed that it was you when that frappé incident happened. I didn't saw you wearing any ring kaya nag-insist na ako na kilalanin ka. Tapos, biglang wala na naman." Natatawa niyang sabi.
"Pakiramdam ko, pinaglalaruan ako nang tadhana dahil parang sinasabik niya lang ako. Makikita kita tapos biglang mawawala ka na naman. Sa totoo lang pagkatapos nong araw na yon, sa loob nang dalawang buwan araw-araw akong nasa mall na iyon. Nagbabakasakali na makita kita ulit. Mula sa pagbubukas hanggang magsara, nandon lang ako." sabi niyang seryosong nakatingin sa mukha ko.
"Hindi ko alam, aaminin ko wala akong interes na makipagkilala sa kahit na sino noong mga panahon na yon." natawa ako nang maalala ko ang naging asta ko sa kanya noon. "Kaya nga hindi ko ibinigay ang tunay na pangalan ko. Tinanong din naman kita, pero siguro kung noon mo sinabi sa akin ito hindi kita paniniwalaan. Dahil hindi ko talaga maalala na nakita na kita."
Ngumiti lang naman siya sa akin. "Nung nakita ulit kita dito sa Manila, nabuhayan ako nang loob at the same time nalulungkot din. Dahil pakiramdam ko pagkatapos nating magkabunggo noon, hindi na naman kita makikita." Natawa kami pareho dahil alam namin kung anong sunod na nangyari pagkatapos non.
"Kaya naman sobrang tuwa ko nung ilang oras pagkatapos non, nakita na naman kita. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon, kaya naman inaraw-araw na kitang gustong makita. Hindi mo alam kung gaano ako ka sabik na halos hilahin ko na ang oras na gumabi na, para lang makasama kang kumain."
Napapailing at natatawa akong yumakap sa leeg niya. Hinalikan ko ang pisngi niya sunod ay sa labi. "Hindi ko alam na ganon mo na ako katagal na mahal, parang hindi ako makapaniwala. Isang beses mo lang akong nakita pagkatapos ng dalawang taon mahal mo pa rin ako. At minamahal hanggang ngayon. Napakaswerte ko!" Hinalikan ko siya sa buong mukha at idinikit ang noo ko sa noo niya.
"Reidessa..." sabi niyang nakatingin sa mga mata ko.
"Ang sarap naman babe. Sa pandinig at sa pakiramdam." sabi ko sa kanya habang magkadikit ang noo namin.
"Mahal na mahal kita. Mahal kita kahapon, mahal pa rin kita ngayon at patuloy kitang mamahalin bukas, sa makalawa, sa isang linggo, sa susunod na buwan. Mamahalin kita sa bawat oras at paghinga ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sakin." deretso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Ipinikit ko ang mata ako dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay tutulo ang luha ko. Inilapit ko ang labi ko sa kanya. "Mahal na mahal din kita, sobra sobrang mahal!"
Ngumiti siya habang magkadikit ang mga labi namin, pagkatapos ay niyapos niya ako at sinakop ang labi ko. Tinugon ko ang halik niya na sa una ay marahan habang tumatagal ay lumalalim.
Mahina akong napaungol nang bigyan niya ako ng mainit at mabibining halik papunta sa panga.
"Mahal na mahal kita Reidessa, mahal na mahal..." Bulong niya sa tainga ko. Tanging ungol na lang ang naisagot ko nang gumapang pababa ang halik niya sa leeg ko.
Napangiti na lang ako nang maramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin at isinubsob na lang ang mukha niya sa leeg ko.
Kayang kaya niya talagang pigilan ang sarili niya. Kahit na dalang dala na siya, pipigilan at pipigilan niya. Ganon niya ako kamahal!
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."