Maagang gumising si Althea para sa unang pasok niya sa Saint Francis High School. Isa siyang transferee sa school na yon. Transferee, dahil isa lang naman sila ng nanay niya sa mga evacuees ng nagdaang giyera sa Zamboanga City. Kinupkop lang sila ng matandang dalagang kapatid ng ama na nakatira sa labas ng Mandale Subdivision sa San Salvacion City of Bacolod. Kung tutuusin ay parang squatter’s area na ang lugar ng tiyahin pero dahil maayos ang pagkakahilera ng mga bahay ay para na rin silang nasa isang subdivision. May naitayong bakery ang tiyahin at tumutulong sila ng nanay niya roon.
‘’Anak ready ka na ba sa pagpasok mo?’’ bungad ng ina na nagluluto ng almusal nila.
‘’Kinakabahan nga po ako nay eh. Paano kung maraming bully sa school na yon. Mukhang sosyal pa naman.’’
Bukod kasi sa bakery ay ang tiyahin niya rin ang namamahala sa canteen ng naturang skwelahan at swerte na niyang nakapag apply ang tiyahin ng scholarship para sa kanya.
‘’Basta tandaan mo lang yung sinabi ko ha. Kailangan lagi tayong humble pero hindi nag papaapi.’’
‘’Syempre naman po. Eh kung mga ligaw na bala nga nasurvive natin eto pa kaya. Yakang-yaka lang nay,’’ masayang sabi ni Thea kahit kinakabahan na.
Nagsabay sila ng tiyahin na pumunta sa skwelahan. Gusto din kasi ng tiya na pag wala siyang pasok ay tumulong siya sa canteen.
Pagdating sa skwelahan ay namangha siya sa lawak nito.
‘’Ang laki naman ng school Tiyang. Hindi ba nawawala ang mga estudyante rito?’’
‘’Naku, hindi mawawala Thea kung hindi maglalakwatsa. Basta ikaw pagkatapos ng klase ha yung usapan natin. Ayokong mapahiya,’’ bilin nito.
Strict masyado ang TIya niya. May pagka perfectionist ito kaya siguro hindi nakapag-asawa. Pero kahit ganoon ito ay nagpapasalamat pa rin siyang kinupkop sila. Matagal ng patay ang tatay niya dahil sa isang rambol sa Zamboanga dati. Hindi na nadakip ang pumatay sa ama at hindi na rin nila pinagpatuloy ang kaso dahil bukod sa gastos ay mabagal pa ang usad ng kaso. Nagtatrabaho naman ang ina sa isang factory noon na nagsara dahil sa gyera.
Back to reality….
Hinatid siya ng tiyahin sa magsisilbing classroom niya. Pinakilala siya nito kay Mrs Legaspi, English teacher slash adviser.
‘’Ang ganda naman nitong pamangkin mo Emma buti at naisipang lumuwas nito dito sa San Salvacion kung hindi eh masasayang ang batang ito.’’
Napangiti siya. MUkhang mabait si ma’am… Yehey. Good start.
‘’OO nga kaya sinabihan ko ito na pagbutihin ang pag-aaral dahil hindi lang naman sa ganda nakukuha ang lahat. Narinig mo iyon Thea ha. Maiiwan na kita at magbubukas pa ako ng canteen.’’
‘’Salamat tyang. Yakang-yaka lang,’’
Sumama na siya kay Mrs Legaspi sa classroom niya. Kahit maaga na siya ay marami ng estudyante sa loob. Nagsisimula na siyang magpawis kahit hindi naman mainit.
Nagsiupo agad ang mga ito pagkakita sa teacher. Manaka-nakang nagbulungan at nakatingin sa kanya.
‘’Good morning class. Kumusta ang bakasyon?’’
Kanya-kanyang sagot ang lahat na hindi na niya maintindihan. Nakatayo pa rin siya sa harap. Awkward. Naisip niya.
Laking pasasalamat niya ng may isang lalaki ang nakapansin din sa wakas sa presensiya niya.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...