CONFUSION

140 1 0
                                    

        Nanalo sa sunod-sunod na laro ang mga seniors lalo na sa basketball. Ang sophomore ang makakalaban nila para sa championship. Medyo magaling na ang sugat ni Althea makaraan lng ang dalawang araw at dahil nangako siya kay Zeke na manonood siya sa championship game ng mga ito ay maaga siyang naghanda.

            Pinasundo pa siya ng binata sa mga kaibigan niya. Si Ryan na boyfriend ni Noemi na kabarkada ni Zeke ang nagdadrive sa sasakyan nito. Nakaalalay lang ang mga kaibigan sa kanya ng papunta na sila sa gym. Pagpasok niya ay nakuha agad niya ang atensiyon ng mga teachers na lumapit sa kanya at kinumusta siya.

            Pagkatapos ng kumustahan ay naupo na sila. Marami-rami na ring tao. Nakita niyang nagpapraktis si RJ at ang iba pa. Napatingin ito sa kanya kaya ngumiti siya pero hindi na ngumiti sa kanya. Nahalata pala ito ni Francis.

            ‘’Hindi ka papansinin dahil yung bruha nandoon sa baba oh. Kulang na lang maging coach ni RJ,’’ sabi ni Francis.

            Napatingin tuloy siya sa tinutukoy nito at nandoon nga si Shyrra nakikipagkwentuhan sa mga bench players.

            ‘’Alam mo ba na nag-away daw sila noong cheerdance competition? Nagalit ba naman si Shyrra ng si RJ ang sumalo sayo,’’ kwento ni Noemi.

            ‘’Ganun ba? Bakit naman kasi si RJ pa ang sumalo sakin?.’’

            ‘’Because I think he likes you too Thea,’’ seyosong sabi ni Beverly.

            ‘’Yah, I think so too. Hindi pa lang niya narerealize sa sarili niya dahi laging nasa tabi niya si bruha.’’ segunda ni Noemi.

‘’Ano ba kayo? Hinaan nyo nga ang boses ninyo baka marinig kayo ng iba, makarating na naman kay Shy.’’

‘’Totoo naman. Gagang yan. Isali ba si Xiao Lu sa pagseselos. Anong kinalaman ng aso sa relasyon nila ni RJ? Kung relasyon ngang matatawag yan,’’ sabi naman ni Francis.

Naikwento na kasi niya sa mga ito ang gustong mangyari ni RJ at nagalit ang mga ito kay Shyrra. Kahit si Zeke ay hindi maintindihan ang nangyayari ka Shyrra, hindi naman daw ito dating ganun ka possessive kay RJ.

‘’Hayaan na ninyo. Eh lovelife nila yan eh kaya wala tayong magagawa.’’

            ‘’Wala kang magawa pero nasasaktan ka naman. Kelan mo ba itatago yang nararamdaman mo kay RJ?’’ tanong ni Noemi sa kanya.

            “At kelan mo balak paasahin ang isang yan oh?’’ sabi naman ni Beverly na inginuso si Zeke na papalapit sa kanya. May dala itong junkfoods at ang mga kasama ay may dalang softdrinks. Inabot agad nito sa kanya iyon.

            ‘’Ang dami naman nito. Hindi namin mauubos,’’ sabi niya rito ng tumabi sa kanya.

            ‘’Madami naman kayo eh. Isa pa mamaya pa konti ang game. Okey na ba ang paa mo?’’kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito kaya bigla siyang naguilty. Pinapaasa na nga ba niya ng sobra si Zeke?

            ‘’Paano naman kayang hindi magiging okey ang paa nyan. Kulang na lang ipabuhat mo sa mga kateammates mo papasok ng gym, Zeke,’’ biro ni Francis rito.

            Natawa lang ito kaya hinampas niya si Francis ng hawak na panyo.

            ‘’Ano ka ba?’’

            ‘’Eh totoo naman eh..’’

            “Hayaan mo na Francis, para naman makapoints,’’ sigaw ng isang kasama nito.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon