Tinapos na ni Althea ang lahat ng gawain niya sa sa araw na yun. Mula sa paglalaba hanggang sa paglilinis ng buong bahay. Nagpaalam na rin siya sa ina na pupunta kina Tita Rita para alagaan si Xiao Lu. Alam na ng nanay niya ang arrangement nila ni RJ dahil ilang beses na rin namang napapasyal sa bakery ang mama ng binata.
Nakapagbihis na siya at nasa bakery na at kumukuha ng bagong lutong ensaymada na peace offering niya sa binata. Papalabas na siya ng makatanggap siya ng text mula rito.
Huwag ka na munang pumunta rito ako na magbabantay kay Xiao Lu.
Nainis siya sa text nito. Ganun na ba talaga ang galit nito sa kanya na hindi na niya pwedeng puntahan ang alaga. Nagdedeklara talaga ito ng away. Nireplyan muna niya ito.
Bakit?
Basta. Huwag ng makulit….
At tinawag pa talaga siyang makulit. Hindi siya makakapayag sa gusto nito kaya nagpaalam lang siya sa ina at tinungo na ang bisikleta at nagbike papunta kina RJ.
Nasa kalsada pa siya ay rinig na niya ang kahol ni Xiao Lu, kasunod ng tawa ni RJ at ng isa pang tao. Bumaba siya ng bisikleta at bahagyang sinilip ang bakod nito. Parang tumaas ata ang presyon ng dugo niya ng makitang magkatabing nakaupo sa damuhan si RJ at Shyrra habang nakikipaglaro kay Xiao Lu. Lumayo muna siya sa bakod para mag inhale, exhale bago taas noong nagmartsa papasok sa bakuran nila RJ bitbit ang tinapay.
*******
Dahil malilim ang bakuran nila RJ ay naisipan niyang paarawan si Xiao Lu. Hindi na kasi niya ito nailalabas tuwing umaga lalo na kung may pasok. At maya-maya lang ay darating na rin si Althea na siyang magbabantay rito. Naglalaro sila ng catch ni Xiao Lu gamit ang isang plastic na buto ng tinawag siya ni Shyrra na nasa kabilang bakod at nakatingin sa kanila.
‘’Ang cute naman ng aso na yan. Ngayon ko lang napansin yan RJ.’’
‘’Minsan lang din kasing lumalabas si Xiao Lu eh. At lagi ka naman kasing umaalis.’’
‘’Oo nga. Anong pangalan niya? Shih Tzu ba yan?’’
‘’Its Xiao Lu. Isa siyang Pomeranian dog. Pareho silang maliit ng Shih Tzu pero iba ang characteristics. Gusto mong hawakan?’’ offer niya rito.
Akala niya ay hindi ito interesado sa aso kaya nagulat siya ng makita itong lumapit sa kanya.
‘’Pumasok na ako. Hehe,’’ sabi nito sa kanya. Lalo itong gumanda sa paningin niya.
‘’Its okey halika,‘’ yaya niya ito. Naupo ito sa damuhan kaya tinawag niya si Xiao Lu na agad naman lumapit.
‘’What’s his name again?’’ sabi nitong hinimas ang ulo ng aso.
‘’Xiao Lu.’’
‘’Xiao Lu? Mahilig ka na ba sa Korean ngayon?’’
Natawa siya sa sinabi nito. “Hindi naman. It’s a Taiwanese name. Narinig ko lang din.’’
‘’Ang cute, cute niya. Promise. Love na kita Xiao Lu,’’
‘’Aw, aw, aw..’’
Muntik na siyang matawa sa kahol ng aso. Three barks meaning hindi nito feel ang dalagang feel niya.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
Literatura KobiecaIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...