XIAO LU IS SICK

146 3 0
                                    

           Dahil sa araw-araw na praktis sa cheerdance ay hindi pa rin nadalaw ni Althea si Xiao. Kahit nag momonitor naman siya sa pamamagitan ng pagte-text sa binata, text dahil hindi na niya malapitan ito simula ng lagi na lang itong katabi ni Shyrra sa lahat ng subjects nila. Lumipat ito ng upuan pagkatapos ng second grading nila kaya deadma na lang din siya. Hindi naman siya makalapit dahil laging nakairap sa kanya ang bruhang si Shyrra.

            Maaga pang nagtext si RJ sa kanya na matutuloy daw ang lakad ng mga ito kaya nagpaalam na rin siya sa Tiya Emma niya matapos makapag-linis. Umuwi ang nanay niya ng Zamboanga para asikasuhin ang pagbebenta ng maliit nilang lupa doon.

            Pagdating kina RJ ay sina Tita Rita at Jhosel na lamang ang naabutan niya. Nanonood ito ng movie pagdating niya.

            “Goodmorning po Tita. Hi Jhosel.’’

            Tumayo si Tita Rita para halikan siya at nilapitan niya si Jhosel para halikan sa noo.

            “Maagang umalis si RJ, mukhang may date daw? Alam mo ba yun?’’

            ‘’Ang alam ko lang po may lakad sila ni Shyrra pero hindi ko alam kung saan Tita. Si Xiao Lu po?’’

            ‘’Ate Thea nasa room ni kuya si Xiao. He is sleeping, ’’ sagot ni Jhosel na tumayo pa.

            ‘’Ganun ba. Pwede ko bang puntahan Tita?’’

            ‘’Sige iha. Puntahan mo na lang dahil ang ganda na nitong pinapanood namin. The second door is RJ’s room.’’

            Napangiwi siya sa sinabi nito at napatingin sa taas. Pag nagkataon, first time niyang mapasok ang kwarto ng binata, kaya napangiti siya ng palihim at umakyat ng hagdanan.

            Pagpasok sa loob ay napapikit pa siya ng sumalubong sa kanya ang bango ng kwarto… Smells really like RJ… Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto. Masinop sa gamit ang lalaki napansin niya dahil maayos ang kama nito, pati pagkakalagay ng mga libro at gadgets nito ay maayos rin. Dinaanan ng kamay niya ang mesa nito at naimpress siya ng wala iyong dumi…

            Perfect…. Sabi ng isip niya.

            Paglingon niya sa gilid ng kama nito ay nakita niya si Xiao Lu na mukhang natutulog. Malinis ang rug na tinutulugan nito at may ibat-ibang plastic na buto sa tabi nito. Ang ilan doon ay siya ang bumili.

            Lumapit siya at hinimas ang ulo nito. Nagising ito at munting ungol lang ang binigay sa kanya at ginalaw-galaw ang buntot. Kinarga niya ito at tiningnan ng mabuti. Nagmumuta ang isang mata nito.

            ‘’Xiao, namiss kita. Pasensiya ka na ha ngayon lang ulit ako nakadalaw. Namiss mo ba ako?’’

            Apat na maliliit na kahol ang sinagot nito. Not the usual cheerful kahol. Naisip niya.

            ‘’May sakit ka ba? Sick ba ang labs ko? Ha?’’

            Hindi na ito sumagot at dinilaan lang ang kamay niya.

            ‘’Hindi ka na siguro nakakalabas ano? Come ipapasyal kita ngayon ha. Tatakbo tayo sa park.’’

            Bago umalis ay inamoy muna niya ang unan ni RJ at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Dinala na rin niya ang pang tali rito.

            ‘’Tita, excuse me po. Dadalhin ko po muna sa park si Xiao. Papaarawan ko lang po.’’

            ‘’Sige Althea mabuti pa nga at mukhang nananamlay si Xiao ngayon eh. Hindi ko nga pinalapit itong si Jhosel dahil baka may sakit si Xiao mahawa pa. Pinakain na yan ni RJ bago umalis.’’

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon