SCHOOL FAIR

154 2 0
                                    

Maagang nagpunta sa St Francis High si Althea dahil pinatawag siya ni Mrs Legaspi. Kahit iika-ika pa rin ay nagawa na niyang pumunta mag-isa sa school. Nagpunta agad siya sa faculty room para puntahan ang adviser. Nakita naman niya agad ang teacher.

‘’Good morning po ma’am..’’

‘’Althea, salamat naman at nandito ka na. Okey na ba yang paa mo?’’

‘’Okey na po ma’am nailalakad ko na po. Bakit po ninyo ako pinatawag?’’

‘’Kasi total naman injured yang paa mo ikaw ang iaasigned ko na magbigay ng food stab para sa mga estudyante mamaya. May table na akong pinalagay sa labas. Ang mga estudyante na mismo ang lalapit sayo kaya hindi ka mahihirapan. Hindi ko naman kasi pwedeng iassigned sayo ang pagcheck ng attendance eh.’’

Nginitian niya ang teacher. “Wala pong problema ma’am ako na po ang bahala doon. Salamat po.’’

‘’Eto na ang mga food stab Thea, ikaw ng bahala dyan ha. No food stab, no food okey.’’

‘’Yes ma’am..’’

Binitbit na niya ang lagayan ng food stab. Kasali kasi sa contribution nila ang lunch at snack para sa wholeday school fair kaya naman para mamonitor nila ang pag rerelease ng pagkain ay may foodstab. Ang nanay at tiya Emma niya ay pansamantalang nagsara ng bakery para sa activity ng school nila.

Papunta na siya sa ground, mukhang marami na ring dumating na mga estudyante. Pababa na siya ng hagdan ng may kumuha ng hawak niya mula sa kanyang kamay. Paglingon niya ay ang nakangiting mukha ni Zeke ang nakita niya.

‘’Goodmorning Thea…..’’

‘’Hi, Zeke.. Bakit ang aga mo?’’

‘’Eh alam kung maaga kang pupunta eh kaya pumunta na rin ako ng maaga para matulungan ka.’’

Nginitian lang niya ito. Hawak nito ang lalagyan ng stab sa isang kamay at ang isang kamay ay naka-alalay sa kanya.

‘’Kaya ko ng maglakad Zeke…Hindi na masakit ang paa ko..’’

‘’Okey lang. Bakante naman ang isang kamay ko eh,’’ sabi nitong nakahawak sa isang braso niya. Hinayaan na lamang niya ito hanggang sa makarating sila sa tent kung saan siya nakatalaga. Sina Francis, Noemi at Beverly ang naka assign sa Wedding Booth kaya hindi siya masasamahan ng mga ito.

‘’Ano bang assignment mo Zeke?’’

‘’Assignment? Hindi naman ako binigyan ni ma’am eh kaya iaasigned ko na lang ang sarili ko sayo.’’

Napiling-iling siya.

‘’Loko-loko ka talaga. Mamaya niyan hanapin ka ni ma’am.’’

‘’Hayaan mo na. Tumutulong naman ako ah.’’

‘’Kumusta nga pala si Shyrra kagabi?’’

Sandali itong natigil sa ginagawa at napansin niyang umasim ang mukha ni Zeke.

‘’May nangyari ba Zeke?’’

Naupo ito sa tabi niya.

‘’Lets not talk about her.’’

‘’Pero gusto kung malaman. Dahil partly, ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.’’

‘’Bakit mo magiging kasalanan? Hindi mo naman siguro kasalanan kung magaling ka sa klase diba? At hindi mo kasalanan kung marami ang nagkakagusto sayo. At lalong hindi mo kasalanan kung nahulog ang loob ko sayo at lumayo ako sa kanya.’’

Bigla tuloy siyang napalingon rito.

‘’Zeke…..’’

‘’Pinaglalaruan lang niya ang feelings namin ni RJ. She put us on a test para malaman niya kung sino talaga ang totoo sa kanya. Is that fair Thea? At ngayong nagkagusto na ako sa iba, saka niya sasabihing mahal niya ako? Ano yun?’’

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon