ARRANGEMENT

202 3 0
                                    

       “W H A T ????’’ biglang bulalas ni RJ. ‘’ Your joking and its not funny.’’

       Sinabi ni Althea na sa kanya muna si Xiao Lu dahil magpapaalam muna daw ito sa tiya nito kung pwede ito roon. Off limits kasi sa animals ang bakery ng tiyang ng dalaga kaya for sure hindi nito magugustuhan ang gusto ni Althea.

            ‘’Please, please, please RJ. Ngayong gabing ito lang talaga. Bukas sa akin na siya. Please…..’’           

           ‘’You have no idea Thea…Hindi siya pwede sa bahay may kapatid akong maliit. Dad will just kick that dog out.’’

            ‘’Eh pwede mo naman siyang itago na muna eh. At isa pa nasabi mo na kanina na wala ang papa mo sa inyo.’’

            “Eh ano ngayon. I hate dogs Thea.’

            And ayokong idagdag yan sa trabaho ko sa bahay, RJ thought to himself.

            Pangalawang anak si Ralph Joshua, he has a brother na nagtatrabaho bilang manager sa isang malaking banko at nasa Manila nakabase. MInsan na lang itong dumalaw sa kanila. Ang kanyang ama ay isang university dean sa isa sa mga colleges sa Bacolod at ang ina ay nakatambay lang sa bahay nila na sumasideline sa pag o-online shop, pag bebenta ng alahas na hinahouse to house nito sa mga amiga nito kaya laging umaalis ng bahay.

            Akala ng mga magulang ay hindi na ito magkaka-anak pa. He was 10 when his mother got pregnant again. Simula noon nag-iba na ang buhay para kay RJ. Kung dati siya ang tinuturing na baby ng pamilya ngayon ay hindi na. Kung dati, lagi siyang may bagong damit, sapatos at accessories, ngayon ipinapasa na lang sa kanya ang mga pinaglumaan ng kuya.

            That’s because of Joshel Loraine, ang six years old bunso nila na tinalo yata lahat ng kapitbahay nila sa kadaldalan. Magaling pa itong maglambing at mangbola sa mga magulang kaya kahit anong gusto binibili. Muntik na nga siyang maiyak ng bilhan agad ito ng tablet ng ina samantalang ang isang taon na yatang laptop na hinihiling nya rito ay noong summer lang binigay sa kanya.

            Kaya ayaw niyang dalhin si Xiao Lu sa bahay nila. Sure, they have a huge space for a puppy in their house sa katunayan may dog house sila na pinagawa ng kuya niya noon. Kaya lang ng mamatay ang german shepherd na alaga nito ay hindi na ulit bumili ito ng aso. Makakadagdag lang sa babantayan niya ito.

            ‘’Ang harsh mo naman,’’ narinig niyang sabi ni Althea na nagpabalik sa diwa niya. ‘’Eh ang cute, cute nga nito eh. Diba sabi ni vet mahal daw ang ganitong puppy.’’

            He look at Althea. Kakatransfer lang nito sa school nila ng taong iyon pero bilib siya rito dahil marami na itong naging kaibigan sa school nila. Kahit yung mga barumbado nilang classmate ay napaamo nito. But she is a constant trouble maker in his once peaceful high school life.

            She looks like one of those Korean actress na laging pinanonood ng mama niya at kapatid. But hindi niya type ang mga tipo nito. Mas gusto kasi niya yung mahinhin ang dating at kung kausapin mo ay laging may sense ang sinasabi. The description that describes Shyrra, his only crush since 1st year.

            Humanga siya sa angking ganda ng babae lalo na ng maging kakompetinsya niya ito pagdating sa academics. He is always first while Shyrra is second. At lagi ring president siya at vice-president ito. Pero hindi pa man siya nakakadiskarte rito ay niligawan na ito ni Ezekiel, na kababata at schoolmate nila.

            ‘’Hoy, may kasama pa ba ako.. Kung makatingin naman para na akong lalamunin ng buhay,’’ pukaw ni Althea sa kanya na winagayway  pa ang kamay sa mukha niya.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon