Pagkatapos ng nangyari kina Althea at Shyrra ay maagang sinundo ni RJ si Shyrra sa bahay nito. Hindi na niya ito nakausap ng mabuti kagabi dahil pagod na raw ito. Nag-aalala na rin kasi siya na mukhang lalo pang lumalalim ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Parehong mahalaga sa kanya ang dalawa kaya ayaw niyang nag-aaway ang mga ito.
Pinatuloy siya ng katulong nila Shyrra pagpasok niya sa bahay nito. Ilang sandali lang ay masaya na itong bumungad sa kanya at nagyaya agad na umalis sila. Nasa loob na sila ng kotse ng magtanong siya.
‘’Wala ang mama mo?’’
Napasimangot ito.
‘’Namasyal sa Cebu kasama ng mga amiga niya. Hindi nga raw makakarating sa play eh. ‘’
Inabot niya ang kamay nito at pinisil.
‘’Okey lang yan. Nandito naman ako para manood sa play mo.’’
Ngumiti ito sa kanya. ‘’Alam ko naman yun eh. Alam mo bang ikaw na lang ang natitira sa buhay ko RJ? Si Zeke kasi lumalayo na sakin.’’
Napatitig siya rito. Hindi niya alam na apektado pala ito sa hindi na paglapit sa kanila ni Zeke.
‘’Busy rin naman kasi si Zeke.’’
‘’Busy? Kahit naman gaano siya kabusy eh hindi naman natatapos ang araw na hindi niya ako pinupuntahan noon. Simula ng dumating si Althea sa school natin, nagulo na tayo. Nagulo na ang buhay ko.’’
‘’Bakit naman naging kasalanan ni Althea?’’
‘’Because inagaw na niya ang lahat mula sakin. Magmula sa ranking sa school, sa popularity, sa pagkuha ng loob ng mga teachers hanggang sa inyong dalawa ni Zeke. And I really hate her for that.’’ puno ng galit na bulalas nito sa kanya.
‘’Mabait naman si Althea eh that’s why the teachers and our schoolmates like her.’’
‘’So kinakampihan mo na rin siya ngayon?’’ galit na bumaling ito sa kanya. ‘’Pati ba ikaw kasali na rin sa nagkakagusto sa kanya? ‘’
Napabuga siya sa hangin.
‘’What are you saying? You know that I only like you. At wala namang ginagawa si Althea sa akin para layuan ko siya.’’
‘’Wala siyang ginagawa? Your so naïve RJ. Hindi mo pa rin ba nahahalatang may gusto sayo ang babaeng yun and she is using Xiao Lu para maging malapit sayo.’’
‘’Tigilan na nga natin ang usapang ito. Wala ng patutunguhan ito eh. And please leave Xiao Lu alone. Ano bang nagawa ng aso sayo at ayaw na ayaw mo?’’
‘’It’s because inaagaw na ng asong yan ang panahon at atensiyon mo sa akin. Idagdag pang si Althea ang dahilan kung bakit na sa iyo ang asong yan. I hate both of them. At ikaw kinakampihan mo pa sila.’’
Napahalukipkip ito sa upuan. Napatigil siya sa pagda-drive ng marinig niya ang hikbi nito. Pinaharap niya si Shyrra sa kanya.
‘’Hey, stop crying…’’
‘’Nakakainis ka kasi…’’
‘’Huwag na nating pagtalunan si Xiao Lu at Althea okey. Ikaw ang mahal ko kaya ayokong makita kang umiiyak.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...