Naging masaya ang first month ni Althea sa St. Francis. Kapag Saturday at Sunday ay nagboboluntaryo siyang magdeliver ng pandesal sa mga bahay sa loob ng Mandale Subdivision. Ang kikitain niya roon ay kanya na kaya iniipon niya. Nagsasanay na ring gumawa ng tinapay ang nanay niya na siyang tumatao sa bakery kapag weekdays na nasa canteen ang Tiya Emma niya.
Kahit nangungulila sa mga kaibigan sa Zamboanga ay masaya na rin siyang payapa ang buhay nila sa San Salvacion. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan sa skwelahan at mga bagong kapitbahay.
Mahilig siya sa Korean drama at wala yatang palabas ang first love niyang si Lee Mihn Ho na hindi pa niya napanood. At dahil din sa mga ito kaya naging standard na niya sa mga crushes niya ang mga chinito.
And speaking of chinito, naalala na naman niya ang enemy at first sight niyang si RJ. Napatunayan niyang matalino talaga ito sa lahat ng subjects nila. At mukhang karibal nito si Shyrra sa pagiging valedictorian sa batch nila.
Naglalaba ang nanay niya kaya nagvolunteer siya na siya muna ang kakaha sa bakery. Tapos na rin naman siya sa mga assignments niya.
‘’Iha, pabili nga ako nitong ensaymada ninyo. Favorite ng anak ko ito eh,’’ friendly sabi ng isang ale.
‘’Ilan po ang bibilhin ninyo?’’
‘’Bigyan mo ako ng sampung piraso niyan ineng,. Bago ka lang rito ano?’’’sabi ni Aleng Chinita.
Opo, Tiya ko po si Tiya Emma. Kalilipat lang po namin,’’ sagot niya. Mukhang suki ito ng bakery.
‘’Mabuti naman at may nakakasama na si Emma. Ako nga pala si Riza. Tawagin mo akong Tita Riza ha. Dyan ako sa subdivision. Alam mo kasing edad mo yung pangalawa kung anak.’’
Napangiti siya sa kadaldalan nito. “Talaga po. Eh pogi ba ang anak ninyo Tita Riza,’’ tanong niya na inaabot ang supot ng tinapay.
‘’Oo naman. At matalino pa. Pasalubong ko nga sa kanya to dahil pinagbantay ko sa kapatid niyang bunso. Minsan isasama ko yun pagbili ko ng tinapay para makilala mo. Kuh, hindi ko gusto yung nagugustuhan non eh. ‘’
Wow mukhang gusto siyang maging daughter in law ni Tita Riza. Sana lang gwapo talaga ang sinasabing anak nito.
‘’Cge po ipakilala po ninyo sa akin, heto na po pala ang sukli ninyo. Balik po kayo ha,’’ inabot niya rito ang sukli.
‘’Salamat iha. Ang bait mong bata ka. Ano nga ba ang pangalan mo?’’
At naisip din pala nitong itanong yun.
‘’Thea na lang po Tita Riza,’’
‘’Iregards mo ako kay Emma ha. SIge alis na ako Thea,’’
‘’Bye po. Ingat.”
Napapangiti pa rin siya habang iniisip si Aleng Riza. Mukhang may kamukha ito na hindi lang niya maalala. Tatayo sana siya para uminum ng tubig ng mapansin niya ang pitaka na nakapatong sa harap ng lagayan ng tinapay.
‘’Naku, naiwan ni Tita Riza. Inday dito ka muna ihahabol ko lang to doon sa kabibili lang ng tinapay ha,’’
Mabilis siyang sumakay sa bisikleta at tinungo ang direksyon ng subdivision. Dahil kilala na siya ng gwardiya ay pinapasok siya agad pagkatapos na sabihing isasauli niya ang wallet.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...