REACHING OUT

148 2 0
                                    

        Pinatawag si RJ at Zeke ng basketball coach nila. Noong una hindi siya pumayag dahil hindi pa naman niya tinatanggap ang alok nito. Pero pinilit siya ni Zeke dahil sandal lang naman daw iyon.

            Sa loob ng gym nila pinuntahan ang coach nila para lang matigilan ng Makita niya kung sino ang kasama nito. Hinawakan siya ni Zeke sa braso ng aalis na sana siya.

            ‘’Kelan mo ba balak harapin ang nakaraan RJ? Kelan ka titigil sa pagtatago.’’

            Pinalis niya ang kamay nito.

            ‘’You don’t know anything about how I feel Zeke kaya huwag kang makialam.’’

            ‘’May pakialam ako dahil kaibigan kita. At isa lang ang alam ko isa kang duwag. Kung wala ka talagang kasalanan bakit hindi mo siya harapin.’’

            Nagsukatan sila ng tingin. Napasulyap siya sa likod niya ng makita niyang napatingin roon si Zeke. Nasa likod nila ang mga cheerdancer kabilang na si Althea.

            Lumabas na siya ng gym. Mabilis ang mga hakbang niya. Hindi niya alam kung kanino siya galit basta ang alam niya naiinis siya.

            Napatigil siya ng tawagin siya ni Althea, hindi niya ito nilingon.

            “Siya ba si Coach Joel? Hindi ka ba curious kung kumusta na siya?’’

            Napapikit siya. Bakit ba kung ito ang nagsalita ay nakakalma ang buong sistema niya.

            ‘’Alam mo bang ang ganda ng ngiti niya kanina ng makita kang palapit? Mukhang excited siyang makita ka kasi hindi naman siya mag e-effort kung….’’

            Binalikan niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat. Napatingala ito sa kanya. Hindi niya makita sa mga mata nito ang takot kahit gusto niyang sindakin ito.

            ‘’Will you stop it? Bakit ba kung makaasta ka ay parang alam mo ang lahat-lahat? Huwag kang pumapel sa buhay ko pwede ba. Wala ka namang alam eh.’’

            Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito pero ngumiti pa rin ito sa kanya.

            ‘’Hindi ako natatakot sayo at hindi ako nadadala sa pasindak-sindak mo na yan RJ,’’

            “Tumigil ka na. Dahil wala kang mapapala sakin. Kung si Shyrra nga hindi nabago ang isip ko ikaw pa kaya. You are nothing to me kaya tumigil ka na.’’

            Inalis nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso nito.

            ‘’Dahil wala naman talaga akong balak baguhin kung ano ka. It’s a matter of acceptance RJ. Nasa sayo na kung patuloy mung bubuhayin ang sarili mo sa nakaraan. At tama ka masyado na akong pumapapel sa buhay mo, hindi ko nga rin alam kung bakit eh. Maybe because I care about you. At ayokong nakikita kang nasasaktan.’’

            Tinalikuran siya nito pero nakita pa rin niya ang luhang bumagsak sa mga mata nito. She care for me….. Naiwan siyang nakasunod lang ang tingin kay Althea.

            Napaupo siya sa bench na nasa labas ng gym. Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Ayaw niyang Makita si Coach Joel na nakawheel chair. Naging mentor niya ito sa basketball, dati itong varsity player sa university kung saan ito nag graduate. Naging teacher sa St. Francis at coach at the same time.

            Alam niyang pangarap pa nitong madiscover bilang isang magaling na manglalaro kaya ng maaksidente ito ay parang siya ang namatayan ng pangarap. Kahit ilang beses ng sinabi ni Zeke at iba pa niyang kasama sa basketball team noon na hindi siya sinisisi nito ay parang inobliga na niya ang sariling kasalanan niya ang nangyai.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon