MEETING XIAO-LU

198 3 0
                                    

        ‘’Stoppppppp………’’ halos lumabas na ang ugat sa lalamunan ni Althea at muntik pa siyang sumubsob sa dashboard ng sasakyan ni RJ kung hindi lang siya nakaseatbelt.

            ‘’What is your problem?’’ galit na sabi ni RJ sa kanya matapos ihinto ang kotse. Hindi galit kundi galit na galit dahil namula ang mga cheeks nito.

            ‘’Eh kasi…..’’

            ‘’Eh kasi what?’’

            “May aso kasi eh. Tumawid yung aso.’’

            ‘’Aso, your face. Wala naman akong nakita eh.’’

            ‘’Meron talaga I swear. Labas tayo tingnan natin.

            ‘’Grrrrrrr…. Your one walking disaster,’’ sabi nitong nasabunutan ang sariling buhok.

            ‘’Sige na tingnan na natin. Eh paano kung napatay mo yung dog. Hala ka makukulong ka.’’

            “Shut up. Baba’’

            ‘’Ano? Ayoko nga’’

            Nagmura pa muna ito bago tinanggal ang seatbelt at lumabas ng kotse. Sumunod siya agad rito at tiningnan ang ilalim ng kotse. Sure siya na may tumawid kanina.

            Pagsilip nila ay…

            ‘’Aw, aw, aw…….’’

            Nagkatinginan sila ni RJ at muling sinilip ng mabuti ang ilalim ng sasakyan. At doon nakita nila ang isang brown na parang red na parang orange puppy.

            ‘’Aw. Aw, aw…..’’

            MUkhang nanghihina na ang kahol nito.

            ‘’Iatras mo yung kotse mo.’’

            ‘’Bakit?’’

            ‘’Anong bakit? Syempre para makuha natin yung puppy ano ka ba,’’ kahit natataranta na siya ay naiinis na siya sa kasama.

            Gustong-gusto talaga niya ang mga aso lalo na yung maliliit na asong pwede mong bihisan at turuan. At mukhang nasaktan ang asong nasa ilalim ng kotse at wala man lang pakialam si RJ doon.

            ‘’Pwede ba hindi ka ba nag-iisip. Baka trap lang to ng mga carnapper, baka modus nila ito. At pag may nagpunta ritong criminal ngayon anung gagawin natin?’’

            Wow, marunong naman palang magsalita ng mahaba ang lalaking ito.

            ‘’Kung iniatras mo na kasi itong kotse mo eh di nakaalis na sana tayo. Bilis na,’’ sabi niya sabay sipa sa isang gulong nito.

            ‘’Don’t hit my car.’’

            ‘’Don’t hit my car, don’t hit my car,’’ pang gagaya niya rito. “Eh you hit a dog nga eh. Atras na kasi.’’

            Wala itong nagawa kundi sumakay sa kotse nito. Bago nito inatras sinabihan niyang hintayin ang signal niya at magdahan-dahan lang sa pag atras dahil baka mas lalong masagasaan ang aso sa ilalim. Sumilip ulit siya sa ilalim.

            ‘’Doggy, cute puppy, yoo hoo… Huwag kang gumalaw okey. Dyan ka lang. Stay put ka lang jan,’’ pagkausap niya sa tuta na kinaway-kaway naman ang maliit na buntot. Mukhang genius si puppy, naisip niya.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon