Parang naguilty naman si Althea ng makita niyang umalis na si RJ. Kanina pa din kasi siya naiinis rito dahil hindi siya pinapansin. Gusto pa naman sana niyang kumustahin si Xiao Lu na alam naman niyang hindi nito pinababayaan.
Dahil sa inis na nararamdaman na dinagdagan pa ng pangungulit nito ay hindi na niya napigilang mag komento tungkol sa kaibahan nito at ni Zeke. Alam naman niyang kahit suplado ang binata ay mabait ito. Hindi nga lang masyadong vocal sa iba.
Napansin niyang kumukuha na ito ng pagkain at nakasunod rito si Ezekiel. Mukhang nag-uusap naman ang dalawa kaya ng malapit na sa dulo si RJ ay dali-dali niya itong pinuntahan.
Nabigla ito ng nakita siyang nakatayo sa dadaanan sana nito.
‘’Bakit?’’ sarcastic na tanong nito mukhang galit.
‘’Sorry,’’ sabi niyang nag peace sign pa rito.
Sasagot sana ito ng magsalita si Ezekiel sa likod nito.
‘’Thea, bakit hindi ka pa kumukuha ng pagkain?’’
Napatingin siya sa likod ni RJ at nginitian si Zeke.
‘’Salamat Zeke. Mamaya na ako.’’
‘’Anong mamaya na? Mamaya pag wala ng pagkain..’’
Nakita niyang napapikit si RJ kaya hinarap niya ulit ito.
‘’Sorry na nga,’’
‘’Kunin mo nga to,’’ sabi nitong ibinigay sa kanya ang platong puno ng pagkain.
‘’Anong gagawin ko rito?’’ tanong niya.
‘’Titigan mo lang yan baka mabusog ka.’’
Napasimangot siya. Saka naman humarap si Zeke sa kanila.
‘’Ito na lang sa kin Thea oh. Pipila na lang ako ulit. Mauna ka na lang sa table.’’ offer ni Zeke na inaabot sa kanya ang plato ng pagkain.
Napatingin siya kay RJ na waring hinihintay ang sagot niya. Dahil mukhang galit ito ay ibinalik niya ang plato nito saka inabot ang plato ni Zeke na ngumiti lang at bumalik sa pagpila.
‘’Baka kasi gutom ka na. Kaya huwag ka ng pumila ulit,’’ paliwanag niya na inaabot ang plato nito.
Naiinis na kinuha nito mula sa kanya ang plato at nauna ng naglakad papunta sa isang bakanteng mesa. Sinundan niya ito at naupo siya sa tabi nito. Hindi siya kinikibo nito.
‘’Hoy magsalita ka naman. Ikaw kasi nang-iinis. Friendly ka rin naman eh in a different way nga lang.’’
Natahimik siya ng tingnan siya nito ng matalim. Nagulat pa siya ng tumabi sa kanya si Zeke na may dalang softdrinks nilang dalawa. Napansin niyang walang softdrinks si RJ kaya tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Zeke.
‘’May kailangan ka pa ba?’’
“Ah kasi……’’ nagdalawang isip siyang sabihing kukuha siya ng softdrinks para kay RJ. Umupo na lang siya ulit at nilagay sa tabi ng plato ng binata ang softdrinks niya. “Kay RJ na lang ito bawal kasi sa kin ang softdrinks eh kukuha na lang ako ng tubig.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
Chick-LitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...