LAST CHAPTER THE REUNION

292 10 2
                                    

        Three months ago lang magmula ng mawala si Xiao Lu at mahanap ng mag-asawang Montero na may-ari nito. Isinama ito sa Maynila na hindi man lamang binigyan ng pagkakataon na makita nina RJ at Althea.        

            Ilang linggong iniyakan iyon ng dalaga pero sa mga panahong iyon ay todo naman ang suporta hindi lang ng kasintahan kundi pati na rin ng kanilang pami-pamilya at mga kaibigan. Althea decided to continue life without Xiao Lu knowing that RJ is on her side.

            Three months ago and here they are sa graduation rites nila bilang baong high school graduates ng St Francis High School. Valedictorian pa rin si RJ samantalang First Honorable mention lang siya dahil naagaw ulit ni Shyrra ang puwesto nito. Pero wala na siyang pakialam doon.

            Pareho silang pumasa ng nobyo sa UP Manila kaya doon nila balak kunin ang kurso. Siya bilang Mass Communication student at si RJ bilang Engineering student.

            Katatapos lang ng graduation nila at masaya silang nagpipicture taking sa harap ng stage. Napansin ni Althea na paalis na si Shyrra kaya dali-dali siyang nagpaalam sa nobyo at mga kaibigan at sinundan ang dalaga. Naawa siya rito kanina ng ang adviser nila ang kasama nitong naglakad dahil wala ang ina nito.

            ‘’Shyrra, wait,’’ tawag niya rito.. Lumingon ito sa kanya kaya nginitian niya.

            ‘’May kailangan ka?’’ mataray pa rin ito kung sumagot.

            ‘’Congrats nga pala,’’ sabi niyang inabot nga kamay na inabot naman ng dalaga.

            ‘’Thanks. Mauuna na ako sa inyo.’’

            ‘’Shyrra….’’

            Nilingon siya nito ulit.

            ‘’Anything more?’’

            ‘’Ayoko lang na maghiwalay tayo na may sama ka ng loob sa amin. I’m sorry kung may nagawa man akong kasalanan sayo.’’

            Natawa ito.

            ‘’You know why I hate you Althea? Dahil masyado kang mabait. Ako ang marami ang nagawa sayo tapos ikaw itong nag so-sorry sa kin.’’

            ‘’Dahil kaibigan ka ni RJ. Dahil kahit hindi mo paniwalaan mahalaga ka sa kanya.. sa kanila ni Zeke. At lahat ng mahalaga sa kanya ay mahalaga na rin sakin.  At hindi ko hahayaang maghiwalay tayo na galit ka pa rin sakin.’’

            ‘’Now I know kung bakit ka nila mahal. Coz you never stop.,’’ napabuntong-hininga ito. ‘’Siguro pinagtatawanan ninyo ako kanina habang naglalakad akong kasama ang isang teacher keysa isang magulang. And maybe that’s the price I have to pay for hurting all of you. For hurting Xiao Lu.’’

            ‘’No Shyrra. Kahit kailan hindi ka naman pinagtawanan.’’

            ‘’I’m sorry Althea. I’m sorry for everything. For ruining everything. Please tell RJ and Zeke that I’m sorry at hindi na ako kelan man magpapakita sa kanila, sa inyo.’’

            ‘’Mas mabuti sigurong ikaw ang magsabi sa kanila nyan dahil kahit anong gawin mo magkikita at magkikita pa rin kayo dahil nasa isang lugar lang tayo.’’

            Napailing-iling ito. ‘’I’m going to Europe Thea, pinatapos lang ni Mama ang graduation didiretso na ako sa airport. Doon na ako titira at baka matagalan pa ang balik ko. I don’t have the strength to say sorry and goodbye to Zeke especially to RJ. Ikaw ng bahala sa kanila. Ingatan mo si Ralph, Thea dahil mahal na mahal ko siya. Goodbye Thea and sorry for Xiao Lu.’’

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon