Malapit na ang acquaintance day ng St Francis High kaya naman ang mga seniors ay ang punong abala sa programang iyon since last school year na nila. Ang section A na kinabibilangan nila Thea at RJ ang nakatalaga sa venue, decoration, lights and sound para sa party kaya naman nagkaroon ng team for each task.
At dahil 30 sila sa classroom, they group the class into 3 na may sampung student. Magkasama si RJ, Althea, Noemi, Beverly, Francis, sa isang grupo. Kasama din nila sina Luisa at Camille at ang tinagurian niyang blacksheep ng class na si John at mga kabarkada nitong sina Blade, George at Matthew.
Mukhang hindi nagustuhan ni RJ ang grouping kaya lumapit ito kay Mrs. Legaspi na adviser nila. Mukhang hindi pumayag ang teacher na lumipat siya kaya naupo na lang ulit ito.
Sa kanila itinalaga ang venue. Sila ang maghahanap ng magandang lugar, kasama na ang ang lahat ng kailangan para sa party including the food.
‘’Bad trip ka na naman ba?’’ hindi niya napigilang tanong rito.
“Ísnt it obvious?’’
‘’Eh bakit ka nababadtrip?’’
‘’Dahil masyado kang pakialamera.’’
‘’Pare naman, hinay-hinay lang para namang hindi babae yang kausap mo,’’ sabat ni John, si Mr Not So Handsome Guy plus na tinawag na niyang Blacksheep , na nakikinig pala sa kanila.
‘’Eh kung gusto mo ikaw na makipag-usap dito,’’ sagot ni RJ.
Mukhang napikon si John rito. “ Aba’t…… Suntukan na lang kaya tayo pare,’’ hamon ni John.
‘’Maghanap ka ng kaaway mo. Wala akong panahong makipagbasag bungo sayo John, so back off,’’ sabi nito na lumabas ng silid.
Susundan sana ito ni John pero pinigil na lang nila.
‘’Kayo naman ang iinit ng ulo ninyo. Huwag na kasi ninyong galitin yun pwede ba,’’ sabi ni Francis.
“Eh matagal ko na talagang gustong makipag suntukan jan eh. Nakakapanginig ng laman,’’ naiinis na sabi ni John.
‘’Oo nga John kelangan talaga maturuan ng leksiyon yan para magtanda,’’ segunda ni Matthew.
‘’At nanggatong ka pa talaga ha. Baka gusto ninyong kayo ang magpaturo ng lesson sa kanya para may maisagot kayo sa klase. Ano, ano, ano???’’ sabi niya sa mga ito.
‘’Tama ka my friend. At kayo huwag ninyong pairalin yung ginagawa ninyo last year kung gusto pa ninyong makagraduate okey,’’ sabi ni Noemi.
‘’Paano na tayo nito makakasimula sa trabho natin kung ngayon pa lang hindi na tayo magkasundo?’’ tanong ni Beverly kahit abala sa paglalaro ng Candy Crush.
‘’Oo nga, ayaw pa naman namin ni Luisa yung away ng away.’’ Sabi ni Camille.
‘’Hep, hep kalma lang guys okey. Akong bahala kay RJ kayang-kaya ko yun.’’ Confident na sabi niya sa mga ito kahit sa sarili ay hindi pa niya alam ang gagawin doon.
‘’Bilib na talaga ako sayo Thea, hindi ka natatakot sa min gayong halos lahat ng junior natin eh iniiwasan kami tapos sa lahat ng naging classmate namin ikaw lang ang nakakapagsalita kay RJ ng ganun.’’ Sabi ni George sa kanya.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...