Nakalabas na rin sa wakas si Xiao Lu kaya naman natuwa na rin si RJ. Nagtatalo pa rin ang isip niya kung sasali sa basketball o hindi. Malaki ang itinatak ng mga sinabi ni Althea sa kanya sa clinic. Parang nabigyan siya ng motivation nito sa ibang paraan dahil kahit ata anong pag momotivate sa kanya ni Shyrra ay hindi niya magawang iconsider ang payo nito na sumali ulit sa basketball team.
But when he talk to Althea parang gusto na niyang subukang buksan ang isip niya sa idea. Hindi pa sila nagkakausap ulit ni Shyrra magmula ng magtalo sila. He never expected na sasabihin ni Shyrra na sasali na siya sa senior team kaya medyo sumama ang loob niya.
Alam naman niyang gustong-gusto ng dalaga na sumali ulit siya sa hindi niya malamang dahilan.
Panay ang praktis ni Althea sa cheerdance. Minsan na siyang nakapanood ng praktis ng mga ito at hindi niya naiwasang humanga sa galing nito sa pagsayaw pero kinabahan pa rin siya ng makitang iniitsa-itsa ito sa ere. Wala na silang regular class sa buong lingo dahil abala sila para sa school fair.
Naka assign sila ni Althea sa over-all program ng whole duration ng fair. Main event ng naturang program ang basketball at cheerdance at meron ding ibat-ibang booths ng mga estudyante gaya ng free kiss at wedding booth at iba pang pakulo na hindi naman makakapagdulot ng gulo sa activity.
Hindi na nga sila nagkikita ng dalaga dahil kung pumunta ito sa kanila ay wala siya at kung nandoon naman siya ay may praktis ito. Nilalaro niya si Xiao Lu sa loob ng kwarto ng hapong iyon. Napagod kasi siya sa ginagawang lay-out ng tarp kaya nagpasya muna siyang magpahinga at laruin ang aso. Hindi na naman nila nailalabas ito para ipasyal.
Maya-maya ay nakarinig siya ng mahihinang katok. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya nagtaka siya kung sino ang dumating. Pagbukas niya ay ang pagod na mukha ni Althea ang nakita niya. Nakangiti pa rin ito kahit kitang-kita naman ang pagod sa mukha nito.
‘’Hi, may pasalubong ako..,’’ sabi nitong ipinakita ang supot na alam niyang ensaymada. Madalas na itong labas-masok ng kwarto niya simula ng lumabas ng hospital si Xiao Lu.
‘’Bakit nandito ka? Akala ko may praktis pa kayo?’’ lumayo siya sa pinto para makapasok ito. Hindi nito isinara ang pinto kaya nagtaka siya.
‘’Akala ko kasi nasa school ka pa.’’
‘’Isarado mo nga yang pinto. Naka aircon ako,’’ sabi niya rito at naupo ulit sa computer niya. Nilingon niya ito ng hindi ito tumitinag sa kinatatayuan. Nasa paanan nito si Xiao Lu na gustong magpakarga.
‘’Ilalabas ko na lang si Xiao Lu,’’ hindi ito makatingin sa kanya.
Napakunot-noo siya. ‘’Anong problema mo?’’
‘’Eh kasi, eh kasi….’’
‘’Eh kasi??’’
Hinarap niya ang upuan sa dalaga. Na amuse siya ng makita ang discomfort sa mukha nito.
‘’Akala ko kasi wala ka rito kaya akala ko okey lang na dito muna ako tumambay. Eh nandito ka naman pala.’’
‘’So? Anong connect?’’
Napasimangot ito kaya pinigilan niyang matawa.
‘’Ang pangit kayang tingnan na nandito tayo sa kwarto mo.’’
Bigla siyang napabunghalit ng tawa kaya hindi niya nailagan ang unan na ibinato nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...