FIRST ENCOUNTER WITH MR TALL CHINITO GWAPO

252 7 1
                                    

        Tapos na ang first subject nila kaya nagtaka pa si Althea ng isa-isang nagsilabasan ang mga classmate niya. Isasama na sana siya nina Noemi pero tumanggi siya. Baka makita siya ng Tiya na pagala-gala ay mapagalitan pa siya.

           Mukhang maaga ang recess sa school na ito. She thought.

        Sila na lang ni Mr Tall Chinito Gwapo ang nasa loob ng room kaya okey lang sa kanya. Mukhang mainit ang ulo nito dahil napagalitan ng teacher kaya binalewala na rin niya ito.

        Napasulyap siya rito ng tumayo ito at binitbit ang backpack. Napatingin ito sa kanya at napakunot ang noo. Nagbaba siya ng tingin.

          ‘’Transferee??’’

            ‘’Huh?’’

            ‘’Transferee ka ba?’’ mukhang napikon ito sa kanya.

            ‘’Ahm,, oo kakapasok ko lang,’’

            ‘’Syempre naman. First day of school ngayon eh.’’

            Nasupalpal siya. Pilosopo, gwapo sana.

            ‘’Mag cu-cutting class ka sa first day?’’

            Nabigla siya sa tanong nito. ‘’Of course not, bakit ako mag cu-cutting class eh ayokong mapagalitan.’’

            Tiningnan siya ng masama nito. Oo nga pala napagalitan ito dahil late.

            ‘’Eh bakit nandito ka pa.’’

            ‘’Eh classroom natin ito eh kaya nandito ako.’’

            ‘’Idiot..’’

            ‘’Anong sabi mo?’’ nainis na sabi niya rito. Tawagin ba siyang idiot ng walang dahilan.

            ‘’Kung wala pang nakakainform sayo, well Ms who ever you are, nasa baba ang susunod na klase natin. We are a moving class.’’

            Napatitig siya rito. Tama ito, idiot nga siya. Kaya pala nagsilabasan lahat ng classmates niya dahil lilipat ng classroom. At bakit ba hindi pa siya sumama kina Noemi kanina. Tinuktukan niya ang sariling ulo,

            Napailing-iling si Mr Tall Chinito Gwapo at lumabas ng room. Dali-dali niyang kinuha ang gamit at sumunod rito.

            ‘’What are you doing?’’ tumigil ito at humarap sa kanya.

            ‘’Makikisabay na ako sa yo. Hindi ko alam ang room eh. Althea nga pala,’’ sabi niya at inilahad ang kamay na binawi rin niya ng tingnan lang nito.

            ‘’Whatever’’

            Sa kamalas-malasan pa talaga ay roll call na ng nakapasok sila sa Biology class nila. Si Mr Vince na napakastrict daw ang teacher nila. Kaya gaya kanina ay napagalitan na naman si Ralph Joshua at syempre dahil late din siya ay nasali rin siya sa pinagalitan.

            ‘’And you Ms Gomez, why are you late? Kabago-bago mo pa lang late ka na?’’

            ‘’Im sorry po Sir. Hindi ko naman po kasi alam na nagpapalipat-lipat pala sila ng classroom. Hindi din po kasi ako nagtanong sa kanila. Pasensiya na po hindi na mauulit,’’ parang gusto ng lumubog sa kinatatayuan si Althea.

            ‘’Just make sure of that ayoko pa naman sa lahat ang laging late. Diba RJ?’’

            ‘’Yes Sir’’ matabang na sagot ng kasama niya.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon