‘’Shyrra wait up,’’ sigaw ni Zeke sa tumatakbong babae. Naabutan niya ito kaya hinila niya ang kamay nito. ‘’Mag-usap tayo.’’
Matalim lang na tingin ang binigay nito sa kanya.
‘’Puntahan mo na ang bitch na yun. I don’t need all of you.’’
‘’Ano na bang nangyayari sayo Shy. You’re not like this. Please pag-usapan natin ito,’’ kumalma siya habang sinasabi iyon dahil alam niyang mas lalo lang magagalit si Shyrra kung galit siya.
Napahikbi ito kaya niyakap na lang niya. At ng mahimasmasan ay niyaya niya sa coffee shop na malapit sa school.
‘’Here, drink this..’’ sabi niyang nilapag sa harap nito ang kape.
Hinigop nito iyon ng dahan-dahan hindi pa rin magawang tingnan siya kaya hindi na lang din siya umimik.
‘’Don’t you love me anymore Zeke?’’
Napaangat ang tingin niya rito at hinawakan niya ang kamay nito.
‘’What are you saying? You know I love you.’’
‘’Pero hindi na gaya ng dati,’’ mapait na sabi nito. ‘’Noon, you used to compete with RJ para lang makuha ang atensiyon ko. You used to care for me hindi lang bilang kaibigan. Why did you stop courting me Zeke?’’
‘’Because sinabi mo sa akin na si RJ ang gusto mo. And I respect your decision Shy.’’
‘’Kaya mo niligawan si Althea para ipakita sa akin na madali mo akong mapapalitan dyan sa puso mo? You’re using her to hurt me don’t you?’’
Napailing siya. Pinagmasdan niya si Shy.. Napaisip siya. Why did this angel becomes a monster all of a sudden. Unang kita pa lang niya rito ay nagkagusto agad siya sa pagiging witty nito kaya nagsumikap siyang makapasa sa entrance para maging classmate ito.
Pero lagi naman itong binabakuran ni RJ. Lalaki rin siya kaya alam niyang gusto rin ito ni RJ. Oo, at lapitin siya ng babae pero hindi niya kayang manulot ng gusto ng iba. But Shyrra is different kaya minsan naguguluhan siya rito. May mga panahong nagpapakita ito ng motibo na gusto siya nito. Kaya he tried to court her only to be rejected because she loves RJ more than she loves him. Sinubukan niyang lumayo rito at bigyan ng chance si RJ na mas mapalapit sa dalaga. Kaya nagtaka siya sa kinikilos at sinasabi nito ngayon.
‘’Im not using anyone Shy. Most especially not Althea. Mahalaga siya sa akin.’’
‘’Even if she doesn’t love you?’’
‘’I don’t know. But Im willing to wait.’’
‘’Hinihintay mo siya pero hindi mo nagawang hintayin ako. When I said I like RJ hindi mo man lang pinaglaban ang love mo para sakin.’’
‘’Wait?? Saan ba patungo ang usapang ito Shy? Dahil naguguluhan ako.’’
‘’Because I love you Zeke. Alam mo yan. Hindi ako mag i-istick sayo kung hindi kita gusto. That’s why I put you on a test. Sinabi ko lang sayong mahal ko si RJ and then yun lang? Nag give-up ka na sakin at pinagpalit mo agad ako sa babaeng ngayong taon mo lang nakilala.’’
He was shock to her outburst. Para siyang pinaglaruan na hindi niya maintindihan.
‘’You love me? Naririnig mo ba ang sarili mo Shy? You are putting us on a test.? Anong akala mo sa amin ni RJ? A toy?’’ hindi niya napigilang sigawan ito. He feel cheated. ‘’You manipulated our feelings on your own advantage Shy. Anong klase ka? Hindi kami laruan na kung kelan mo gusto makukuha mo. I should have known better. Hindi ka talaga marunong magmahal and I pitied RJ for loving you like a fool.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...