Sa wakas nagkaroon na rin ng constant bahay si Xiao Lu at lagi na ay nandoon sa bahay nila RJ si Althea para alagaan ang aso at ipasyal. Dahil napapayag niya ang Mama ni RJ at gustong-gusto ni Jhosel si Xiao Lu ay napapayag na rin nito si Tito Rodolfo. MInsan may magandang maitutulong din ang pagiging spoiled ng bata.
Pero kapalit ng mga sakripisyo ng binata sa pag-aalaga kay Xiao Lu ay nagpresinta siyang ilakad ang binata kay Shyrra. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito ng makita ang crush na kasama ang crush niyang si Ezekiel. Hindi pa niya nakilala ng personal ang binata pero mukhang kelangan niyang maging malapit dito para mailayo kay Shyrra.
Nang gabing iyon ang acquaintance party nila kaya maaga pa lang ay nasa Gardenaria na siya dahil sabi ni RJ ay mahuhuli ito kaya siya na muna ang makikipag coordinate sa mga last minute changes sa venue. Kasama niya sina Noemi at Beverly ng hapong iyon. Dala na nila ang mga damit, Cowgirl and cowboy ang theme ng acquaintance party kaya hindi na nila kailangan ang magpa make-up ng makapal.
Tapos na silang mag-ayos ng naisipan niyang tawagan ang binata pero hindi ito sumasagot… Kanina pa siya walang balita tungkol kay Xiao Lu kaya nababalisa siya na napansin ni Noemi.
‘’Sino bang tinatawagan mo? Hindi naman maretoke yang mukha mo eh.’’
‘’Si RJ, ayaw sumagot,’’ walang pag-aalinlangang sagot niya na sinusubukan pa ring idial ang number ng binata.
‘’Ibang level na talaga kayong dalawa ha,’’ sabi ni Beverly na nag aaply ng make-up sa mukha.
Napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa mga kaibigan.
‘’Anong ibang level? Kukumustahin ko lang si Xiao Lu noh. Tiyak gagabihin tayo kaya sino ang magbabantay doon.’’
‘’Si Xiao Lu? Si Xiao Lu nga ba talaga girl? Eh mukhang bumalik na yung crush mo kay RJ eh,’’ tukso ni Noemi.
‘’Hindi ko siya crush. Si Ezekiel ang crush ko. Alam ninyo yan,’’ depensa niya sa mga ito.
‘’Si Ezekiel? Eh hindi ka pa nga nakakafirst base doon. Patingin-tingin ka lang naman sa kanila ni Shyrra eh. Iba talaga ang aura mo pag si RJ ang kasama mo.’’ Sabi ni Noemi.
‘’Ai oo. Agree ako jan. And infairness ha since dumating si Xiao Lu sa buhay ninyo ni RJ medyo hindi na masyadong suplado ang isang yon.’’ Kinikilig na sabi ni Beverly.
‘’Tigil na. Walang kami at hindi magiging kami. Si Shyrra nga ang type diba. Nagpapatulong nga sakin diba?’’
‘’Si Shyrra nga ang type eh ikaw sino ba talaga ang type mo?’’ nang-iintriga pang sabi ni Beverly.
Nailang siya sa titig ng dalawa na hinihintay ang sagot niya kaya tumalikod siya sa mga ito at inayos ang damit na suot. Naka maong short shorts siya na pinaresan ng sleeveless blouse na pinatungan ng sleeveless blazer with matchng cowboy hat.
‘’Si Ezekiel nga ang crush ko,’’ sagot niya sa mga ito na nakaharap pa rin sa salamin.
Napa oohh at napa ahhh lang ang dalawa at inayos na ang mga sarili. Nagiwan na lang siya ng text para sa binata na malapit ng magsimula dahil hindi pa rin ito dumarating.
Ilang sandal lang ay nagsimula na ang program proper. Ang nasa section B na kinabibilangan nina Ezekiel ang assign sa program ng gabing yon. Maghahanap na sana sila ng mauupuan ng may kumalabit sa kanya. Ang nakasmile na mukha ni Francis ang nakita niya.
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...