Hindi na nakatulog si RJ hanggang mag umaga. Pagdating niya galing sa first date nila ni Althea ay naabutan pa niya ang mama niya, si Manang Kris at si Shyrra sa labas ng bahay nila.
Napakunot-noo siya habang pinapark ang kotse niya. Bakit mag-uumaga na at gising pa ang mga ito. Hindi naman boto ang mama niya kay Shyrra kaya imposibleng magsumbong ito sa mama niya. For sure magtatatalon sa tuwa ang ina pag nalamang si Althea ang girlfriend niya.
Paglapit niya rito ay napansin niyang namumugto ang mata ni Shyrra. Bigla siyang kinabahan sa di malaman na dahilan. Sinalubong agad siya ng nag-aalalang mukha ng mama niya.
‘’RJ bakit naman ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako text ng text sayo.’’
Bigla siyang naguilty, kanina pa pala lowbat ang CP niya kaya hindi na siya nakapagtext pero nagpaalam naman kasi siyang gagabihin siya.
‘’Ma sorry nalowbat talaga ako. Bakit gising pa kayo?’’
‘’Magkasama ba kayo ni Althea?’’ tanong ng mama niya.
‘’Yes ma. May nilakad lang kami.’’ sagot ko kahit gustong-gusto ko ng sabihing nagdate kami kaso nandoon si Shyrra at yukong-yuko. ‘’Anong nangyayari? Bakit nandito si Shyrra?’’
Bigla itong humikbi kaya lumapit agad ako rito.
‘’Bakit Shyrra? Sabihin nyo nga sa kin ang nangyayari?’’
Nagpapanic na ako lalo at napansin kung hindi makatingin sakin si mama at Manang Kris.
‘’RJ kasi si Xiao?’’
Kinabahan ako pagkabanggit niya sa pangalan ng aso.
‘’Anong nangyari kay Xiao?’’
‘’Nawawala ang aso Ralph. Sabi kasi nitong si Shyrra eh pinapakuha mo raw sa kanya para dalhin sa eskwela kaya pinadala ko sa kanya. Sabi niya bigla daw tumakbo ng pinapaihi niya yung aso,’’ paliwanag ni Manang Kris sa akin.
‘’KInuha mo si Xiao Lu Shy? Bakit siya nawawala?’’ sigaw ko kay Shyrra habang hinahawakan ko ang braso niya.
Pinigilan ako ni Mama kaya binitawan ko siya.
“Anak please pakinggan mo muna si Shyrra. Nag-aalala rin naman kasi siya sa aso eh.’’
‘’Pero Ma, hindi ko naman sinabi sa kanya na kunin niya si Xiao Lu at dalhin sa school.’’
Napatingin ang dalawang matanda kay Shyrra. Tumayo ito at hinarap siya. Parang gusto niya itong sakalin dahil kahit umiiyak ito ay wala siyang maramdamang awa rito.
‘’Bakit mo kinuha si Xiao Lu?’’ galit na tanong ko sa kanya.
‘’I just want to surprise you Ralph. Kaya lang noong papunta na kami sa school mukhang naiihi ang aso kasi kilos siya ng kilos so I decided to stop by a vacant lot. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumakbo si Xiao Lu. Hinabol ko siya pero hindi ko na nakita kung saan siya nagpunta. Nagpatulong na rin ako sa mga bystanders pero hindi din nila nakita kung saan siya tumakbo. I’m sorry RJ hindi ko talaga sinasadya,’’ maluha-luha pa rin ito pero galit na galit na siya.
‘’Surprise me? Do you really want to surprise me or ginagantihan mo lang ako sa pamamagitan ni Xiao Lu? Hindi basta-basta tatakbo si Xiao kung hindi rin naman siya takot or hindi niya gusto ang may hawak sa kanya. Hindi ka niya iiwan kung wala kang ginawa sa kanya.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...