PLEADING FOR XIAO LU

135 5 0
                                    

        Nakapagdesisyon si RJ na puntahan mag-isa ang mag asawang Montero. Ilang lingo na silang nagpabalik-balik sa bahay ng mga ito pero hindi pa rin sila hinaharap. Sabi ni Zeke medyo maayos na raw si Xiao Lu. Ito lang kasi ang may contact kay Vet Leon na siyang tumitingin sa aso kaya si Zeke ang nag momonitor sa kanila.

            Naka house treatment si Xiao at sabi pa ni Vet Leon pag okey na ang mga paa nito ay dadalhin na ito ng Manila. Matamlay pa rin daw kasi si Xiao pero lumalapit na raw ito sa dating may-ari nito.

            Kahit tuloy pa rin sa sila sa pagpasok ay nahahalata na niyang napapabayaan na ni Althea ang pag-aaral nito. Malapit na ang graduation nila at mukhang hindi nito makukuha ang pwestong Salutatorian kung patuoy ito sa performance sa klase nila.

            Siya naman ay nagsisikap pa ring maibalanse ang lahat dahil nangako siya sa inang magtatapos siya bilang Valedictorian. Hindi na nga rin sila masyadong lumalabas ni Althea para magdate. Usual routine nila ay pumasok sa eskwela, pag-uwi ay pupunta sa villa ng mga Montero at uuwi. Hindi pa rin kasi nila masabi sa nanay ng dalaga ang relasyon nila.

            Nag absent siya matapos malaman mula kay Zeke na dadalhin ng mag-asawa si Xiao Lu sa clinic ni Vet Leon para sa X-ray. Doon niya sisikaping makita ang aso.

            Napatayo siya ng makita ang mga itong papasok sa clinic. Gusto niyang sugurin ng yakap si Xiao Lu ng makita niya itong karga ni Mrs Montero. Paglapit nito sa kinatatayuan niya ay di niya napigilan ang sarili.

            ‘’Xiao Lu,’’ sigaw niya at anong saya niya ng marinig ang apat na kahol mula sa aso. Napangiti siya. Mukhang naghihilum na ang sugat sa mukha nito.

            ‘’What are you doing in here?’’ galit na sabi ni Mrs Montero matapos ibigay ang aso sa asawa nito at hinarap siya.

            ‘’Ma’am gusto ko lang makita si Xiao Lu.’’

            ‘’Tigilan mo nga ang pagtawag sa kanya sa pangit na pangalang yan. Hindi siya si Xiao Lu, siya si Lexus. Ano pa ba ang kailangan mo para tumigil ka? Magkano ang nagastos ninyo sa aso at babayaran ko kayo para matigil ka na. No. wait, ito kunin mo. Makakabili ka na ng maraming aso sa perang yan.’’

            Inabot nito ang isang cheke na nagkakahalaga ng 100K. Mayaman talaga ang mga ito pero nashock ito ng galit niyang punitin ang cheke nito sa harap mismo nito.

            ‘’Hindi ko kailangan ng pera Mrs Montero. At lalong hindi ko kailangan ng bayad para sa pag-aalaga sa aso ninyo. Hindi naman ako nagpunta rito para kunin sa inyo si Xiao Lu dahil alam kung kayo ang may-ari. Gusto lang naming pormal na makapagpaalam sa kanya dahil malaki ang naging parte niya sa buhay namin ng girlfriend ko. Nagmamakaawa ako sa inyo, napamahal na kay Althea at sa akin si Xiao. Can we at least say goodbye to him bago ninyo siya ilayo.’’

            Sandali itong hindi nakapagsalita kaya ngapatuloy siya.

            ‘’Si Althea naman talaga ang nakakita sa kanya eh. Kung hindi dahil sa pagpupursige niya at pamimilit sa kin na alagaan namin si Xiao ay hindi ko sana gagawin ito ngayon. But I don’t want to see her suffering dahil lang iniisip niyang hindi na niya makikita si Xiao Lu at dahil iniisip niyang napabayaan niya ito. Please Mrs Montero, I’m begging you sana bago ninyo dalhin sa Manila si Xiao ay makita muna siya ni Althea. And I don’t care kung ayaw ninyo sa pangalang binigay namin sa kanya because we love and cherish him as the cute Xiao Lu. Pasensiya na po kayo.’’

            Nilisan na ni RJ ang clinic. Nilingon pa niya ulit si Xiao Lu na narinig niyang kinakahulan siya. He saw the sadness in the dog’s eyes. Gusto niyang manuntok ng mga sandaling yun but he know better. Hindi kalian man naging kanila si Xiao Lu and he feel so useless dahil wala siyang magawa para pasayahin si Althea.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon