Ito pala ang feeling na nasa cloud nine, naisip ni Althea habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay ni RJ.
Yes… Magkahawak.. Dahil nagpa ‘’kasal’’ sila after nitong sabihin sa kanya na mahal siya nito.
Yes… Mahal siya nito… Sa wakas nag sink in na rin yun sa utak niya.
Niyaya pa siya nito ng dinner sa labas kaya ayon nasa Gardenaria sila for their first ever date. Hindi niya napigilan ang ngumiti habang kumakain sila.
“Bakit ka ngumingiti ng mag-isa Thea? Ganun na ba talaga ako kagwapo sa tingin mo?’’ amuse na sabi ng boyfriend niya at lalo pa siyang napasmile sa naisip.
‘’Wala naman. Pakikurot mo nga ang mukha ko. Baka kasi nananaginip lang ako.’’
Lumipat ito ng upo sa tabi niya at imbes kurot isang mabilis na halik sa pisngi ang binigay sa kanya. She turn red.
‘’I love you. And totoo ito.’’
Napatingin siya rito.
Then suddenly bigla siyang may naalala. Masyado yata siyang nalunod sa sariling kaligayan.
‘’RJ, paano si Shyrra?’’
His expression stiffen. Hinawakan nito ang kamay niya.
‘’I’ll talk to her. Huwak mo na siyang isipin. What about Zeke?’’
‘’Bago pa lang nangyari yung confession mo Mr Gonzales, I’ve broke someones heart na. Kinausap ko na si Zeke na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.’’
‘’Dahil?’’
Napatingin ako sa mukha niyang pinipigilan ang tumawa. Uyy, nagpapacute ang boyfriend kung dating suplado.
‘’Anong dahil?’’ nagmaang-maangan ako kahit I know he is expecting cheesy answer from me.
‘’Syempre dapat may reason kung bakit hindi mo siya kayang mahalin diba?’’
Nginitian ko siya.
‘’Come on spill it out Thea.’’ sabi niya sakin, his eyes are smiling.
‘’Uyyy,,,, gustong kiligin..’’ biro ko sa kanya.
Bigla itong natahimik mukhang nagalit yata sakin kaya hinawakan ko ang kamay niya.
‘’Kasi po, sabi ng puso ko titibok lang daw siya doon sa suplado, masungit niyang classmate na inaway siya sa first meeting pa lang nila. Doon sa chinitong nag-alaga ng asong nagngangalang Xiao Lu, at doon sa lalaking pina’’kasalan’’ ako. KIlala mo ba yun RJ?’’
Nakita kung sumilay ang ngiti sa labi niya. Hay ang cute. Kaya hinaplos ko ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa mukha niya at nanatili kaming nakatitig sa isat-isa.
Hay!!! Mamamatay na ba ako bukas..
‘’I love you Thea.’’
I flash my sweetest smile to him at bumulong ako.
‘’I love you too.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...