Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagdadrive na papunta sa clinic si RJ. Hindi siya nakatulog ng maigi kagabi sa pag-aalala kay Xiao Lu at Althea. Galit pa rin ang dalaga sa kanya dahil sa dami ng text niya kagabi ay wala itong reply.
Maaga silang nakauwi ni Shyrra dahil kahit anong pilit nilang mag enjoy sa pamamasyal ay talagang nawala na sila pareho sa mood. Ayaw na ayaw kasi niyang mapag-usapan ulit ang nangyari sa basketball court noong 2nd year sila. Yes, he was once a school basketball player. Pero natrauma siya ng may mangyaring aksidente which cause him to become strict and cold person. Nag iba din kasi ang tingin ng Papa niya sa kanya at mas lalo pang naging mahigpit kaya sinikap niyang lagi ay magtop sa klase.
He park his motorcycle sa parking lot ng clinic. Nakabukas na ito ng dumating siya. Natigil siya sa may pinto ng makita si Althea na nakahilig sa balikat ni Zeke. GInawa nitong kumot ang jacket ng binata. Bigla siyang nainggit ng wala sa oras. Dapat siya ang nasa tabi ng dalaga na nagbabantay kay Xiao Lu at hindi si Zeke.
Biglang kumilos ang dalaga at napatingin kay Zeke na tulog pa. Dahan-dahan itong umupo at ikinumot nito ang jacket kay Zeke at tumayo. Nagulat pa ito ng makita siya.
‘’Kanina ka pa ba?’’ malamig pa ring sabi nito.
‘’Oo. Nakakahiya naman kasing istorbuhin ang moment ninyo ni Zeke.’’
Napasimangot ito at nilampasan siya. Papunta ito sa banyo kaya sumunod siya rito at naghintay sa labas ng restroom. Nagulat pa ito ng makita siya.
‘’Nakakagulat ka naman. Bakit ka ba sunod ng sunod?’’
‘’Lets talk.’’
‘’Wala tayong pag-uusapan.’’
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palabas ng clinic. May napansin siyang coffee shop sa tabi ng clinic kaya dinala niya ang dalaga doon.
‘’Ano bang problema mo?’’
‘’Anong gusto mo?’’ tanong niya ritong hindi pinansin ang pagtataray nito. ‘’Never mind ako na ang mag-oorder.’’
Nag order siya ng dalawang hot choco at dalawang clubhouse sandwich. Nakahalukipkip lang ito sa upuang inukopa nila. Nakatingin sa labas ng bintana. Nilagay niya ang inumin at sandwich sa harap nito. Hindi man lang nito sinulyapan iyon.
‘’Okey. Im sorry. Anong gusto mung gawin ko para maniwala kang I am sorry?’’
Hindi pa rin ito kumikibo. Malapit na siyang mapikon. Ayaw pa naman niya sa lahat ang nanunuyo.
“Pag hindi mo pa ako kinausap itatapon ko itong hot choco sa sahig. I mean it.’’
Tinaasan lang siya ng kilay nito kaya dahan-dahan niyang binuhos ang hot choco sa sahig. Bigla itong napatingin ito sa kanya.
‘’Hoi ano ka ba? May sayad ka talaga sa utak ano?’’
‘’Ayaw mo akong kausapin eh.’’
‘’Kaya itatapon mo yang kabibili mo lang? Abnormal ka talaga ano?’’
Napailing-iling ito pagkatapos ay isinubo ang sandwich. Dinalawang kagat lang nito ang sandwich kaya natawa siya.
‘’Anong nakakatawa?’’
‘’Ikaw, dahil ang takaw mo.’’
BINABASA MO ANG
BRIDGED OVER TROUBLED HEARTS
ChickLitIsang cute brown Pomeranian puppy ang muntik ng masagasaan ng magkaklaseng Ralph Joshua at Althea Sakura na galing sa isang school activity. They become instant owner and foster parents for the lost puppy ng walang maghanap dito. But will Xiao Lu be...