RALPH JOSHUA GONZALES

185 5 0
                                    

        Nakauwi na si Althea dala si Xiao Lu pero hindi pa rin matigil ang Mama Rita niya sa kakakwento tungkol rito. Kahit pinipilit niyang ipakita ritong hindi siya interesado ay napukaw pa rin ang kuryusidad niya tungkol sa dalaga.

            Lagi palang nakikipagkwentuhan ang Mama niya sa Nanay Alice ni Althea na siyang nagbabantay sa bakery kapag nasa canteen ng school nila ang Tiya Emma nito. Magkapatid pala ang namatay na tatay nito at si Tiya Emma kaya kinupkop ang mag-ina.

            Matalino na daw talaga si Althea kahit noong nag-aaral ito sa Zamboanga. Hindi raw ito nawawala sa honors list ng klase. Kaya humanga siya rito. Meron din palang good side ang kakulitan nito, naisip ni RJ.

            Nilinis ni RJ ang kotse ng papa niya para mawala ang mga balahibong naiwan ni Xiao Lu. Pati na rin ang sa bakuran nila kung saan naglaro kanina ito. Habang naglilinis ay hindi niya naiwasang mag-isip kung kumusta na ito sa bahay ng dalaga, kung pumayag ba ang Tiya nitong doon ito itira.

            Nagliligpit na siya ng ginamit na hose ng makita niyang palabas ng bahay nito si Shyrra. Matagal na niyang kapitbahay ang mga ito. Kaya lang ay hindi close ang mama niya at mama ni Shyrra na ayon sa balita ay kinakasama daw ng isang bigating pulitiko sa bayan nila na may asawa. Galing sa broken-family si Shyrra, nag-asawa ulit ang ama nito na sa ibang bansa na nanirahan.

            Kaya mas lalo pang lumaki ang kagustuhan niyang alagaan ito ng minsang makita niya itong umiiyak sa park dahil nag-away ang magulang nito. Naging constant friends sila mula ng ilabas nito sa kanya ang mga sama ng loob nito tungkol sa pamilya nito.

            Kasabay ng paglalim ng pagtingin niya rito ay ang sakit naman ng kanyang puso ng sabihin nito sa kanya ang gusto nito. Naalala pa niya ang araw na yon sa park 3 years ago when they were 12….

            Flashback…

            Masaya silang nagkukwentuhan ni Shyrra sa park ng makita nila ang isang delivery van na napadaan. Kasunod nito ang isang Fortuner na black. Mukhang may bagong lipat sa subdivision nila. Niyaya siya ni Shyrra na silipin nila ang bagong lipat kaya sumama siya rito.

            Nasa kabilang block nila ang bagong lipat. Bigla siyang kinalabit ni Shyrra na pinagtaka niya.

            ‘’Oh my gosh, ang gwapo niya RJ,’’

            Napatingin siya sa tinutukoy nito. Isang kasing edad nila ang tumutulong sa pagbaba ng mga gamit sa delivery van. Mukhang magkasing taas lang ata sila pero napaghahalataang sanay sa gym ang lalaki. Sa unang tingin, mukha itong athlete.

            ‘’Gwapo na ba yan sayo? Ang payat nga niyan eh.’’

            ‘’Anong payat. Tingnan mo ang muscles pag nagbubuhat ang laki. Sana sa school natin mag-aral yan noh,’’ sabi nitong parang nangangarap pa.

            Para namang napansin sila ng binata kaya ngumiti ito sa kanila bago lumapit.

            ‘’Hi, goodmorning,’’ medyo nahihiya ito ng lumapit sa kanya.

            Sa kanyang pagkadismaya ay magandang ngiti pa ang sinalubong ni Shyrra dito. Nasaktan siya agad-agad sa tagpong iyon.

            ‘’Hello ako nga pala si Shyrra, at ito ang friend ko si RJ. Nasa kabilang block kami. What’s your name? Ilang taon ka na?’’

            HInawakan niya ang braso ng dalaga para patigilin ito.

            ‘’Shy, ano ba?’’

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon