RIGHTFUL OWNER

140 3 0
                                    

        Kinabukasan ay nasa bahay nila si RJ matapos niyang tawagan ito tungkol kay Xiao Lu. Kahit ito ay nabigla sa nangyari sa aso. Sinabi niya rito ang lahat ng sinabi ni Zeke sa kanya.

            ‘’Galit sa tin ang may-ari kay Xiao Lu, no, its Lexus… Yun daw ang pangalan niya. Galit sila dahil pinabayaan daw natin si Xiao Lu,’’ napaiyak na naman siya.

            Sabi ni Zeke hindi daw possible ang gusto niyang mangyari na puntahan nila si Xiao Lu para makita. Galit na galit daw kasi si Mrs Montero sa kinahinatnan ng alaga nito. At mukhang hindi na raw ito kilala ng aso.

            ‘’But kelangan pa rin nating puntahan si Xiao or whatever his name is. Kelangan nating sabihin sa kanila na hindi natin pinabayaan ang aso at kung gaano natin siya kamahal.’’

            ‘’Anong gagawin natin RJ?’’ naguguluhan na rin niyang tanong. Gustong-gusto na rin niyang makita si Xiao Lu. Ang malamang marami itong sugat ay nagpapasakit sa dibdib niya.

            ‘’I’ll call Zeke. Magpapasama tayo sa kanya.’’

            ‘’Hindi. Puntahan na lang natin siya sa kanila RJ para makapag sorry ka na rin sa kanya.’’

            Tumango naman ito. Pagkatapos magpaalam ay tumungo na sila kina Zeke para lang maabutan si Shyrra na kausap ng binata. Hindi niya napigilang sampalin ang babaeng natigalgal sa lakas ng impact ng sampal niya. Dinuro niya ito. Hawak siya ni RJ sa baywang.

            ‘’Bitch ka. Walang hiya ka. Anong klaseng tao ka ba ha Shyrra? Walang kalaban-laban na aso lang ba ang kaya mong patulan ha? Alam kung ikaw ang may gawa ng mga sugat sa mukha ni Xiao Lu. Masahol ka pa sa hayop.’’

            Mukhang nakabawi naman ito agad.

            ‘’And so what kung ako? Pasalamat ka at nabuhay pa ang asong yun. At ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi Xiao Lu ang pangalan niya. Serves you right dahil mang-aagaw ka.’’

            ‘’Walang akong inaagaw sayo dahil kahit kailan wala ka namang pag mamay-ari. And for your information, hindi ka mahal ng taong akala mo mahal ka. Nakakawa ka alam mo ba yun. Ang taas ng respeto ko sayo noong bago pa lang ako sa lugar nato. Sino nga bang mag-aakalang ang tinitingala sa kagandahan at katalinuhan ng buong SFHS, ay isa palang halimaw. And masaya akong narealize na rin ni RJ na hindi ikaw ang mahal niya dahil he will be stuck with a bitch like you.’’

            Mukhang nagalit ito ng husto sa sinabi niya kaya susugurin sana siya ng sampal nito pero napigilan ni RJ ang kamay nito.

            ‘’Not again Shyrra. Don’t you ever hurt my GIRLFRIEND again dahil hinding-hindi ko na mapapahintulutang may sasaktan ka na namang mahalaga sa kin.’’

            Napatingin ito kay RJ in disbelieve.

            ‘’What are you saying RJ?’ What girlfriend? Siya? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?’’

            ‘’I’m sorry Shy. Ayoko sanang malaman mo sa ganitong paraan but I guess there is no easy way to tell you this. You are pushing us to the limit. I’m so disappointed with you but yes Girlfriend ko na si Althea. I’m sorry for leading you on. Pero iba ang pagmamahal sa awa Shyrra. And hindi pala pagmamahal ang nararamdaman ko sayo kundi awa. Awa dahil ayokong mapariwara ka.’’

            Isang matunog na sampal ang binigay nit okay RJ.

            ‘’Bullshit kayong lahat. Magsama-sama kayo. At hindi ko kailangan ang awa mo Ralph. You can eat that. At oo. Kung hindi lang nakatakbo ang buwisit ninyong aso ay piñatay ko na sana siya.’’ Nanglilisik na ang mga mata nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon