SECRETS UNFOLD

133 3 0
                                    

        Nakabihis na ulit si Thea at naghahanda na siyang bumalik sa clinic. Matagal-tagal ding paliwanagan ang naganap sa kanilang dalawa ng Tiya na buti na lang ay napapayag niyang magbabantay muna siya kay Xiao Lu kahit nagprotesta itong bakit daw ipapahospital pa ang eh aso lang naman.

            Pababa na siya sa bakery ng marinig niya ang masayang halakhak ng Tiya Emma niya. Marunong din pala itong matawa, naisip na lamang niya. Sandali siyang sumilip sa labas para tingnan ito. Nagulat siya ng makitang si Ezekiel pala ang kasama nito.

            Napatitig siya sa binata. Malayong-malayo na ito sa lalaking una niyang nakita sa basketball court sa school. Hindi niya akalaing magiging ganun sila kalapit ng binata. Oo, inaamin niyang nagkacrush siya rito pero paglipas ng mga araw na lalo niyang nakilala ito ay napatunayan niyang gusto lang talaga niya itong maging kaibigan.

            Pero mukhang iba yata ang nakuha nitong mensahe mula sa kanya. Constant customer na nila ito sa bakery. At dahil close ito kay Tiya Emma ay ito lang ang nakakapagpaalam sa Tiyahin para makapasyal siya.

            Napansin ata nitong may nagmamasid rito kaya napatingin ito sa gawi niya. Nginitian siya nito at kumaway kaya lumapit na lang siya.

            ‘’Nandito ka na pala Thea. Ang tagal mong bumaba kanina pa si Zeke rito,’’ nakangiting sabi ng Tiya niya.

            Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa binata.

            ‘’Aalis na po kami Manang, baka kasi nandoon na rin si Tito Clinton. Ako na po ang bahala kay Thea at Xiao Lu.’’

            ‘’Hala, lakad na kayo. Naku, Zeke pasensiya ka na at naabala ka nitong pamangkin ko ha,’’sabi ni Tita Emma.

            Napangiti lang ang binata at hinila na siya. Dali-dali naman siyang nagpaalam sa Tiyahin. Pag sakay sa kotse nito ay agad niya itong kinompronta.

            ‘’Ano yun?’’

            “Anong ano yun?’’

            ‘’Ngayon ko lang nakitang humalakhak ng ganun si Tiyang. Anong pinag-usapan ninyo? At bakit ka nandito? Hindi ko naman sinabing sunduin mo ako diba?’’

            ‘’Stop!! Ang dami namang tanong…’’

            Pinaikot niya ang mga mata.

            “’Okey, bakit ka nandito?’’

            “Sinusundo ka syempre. Sabi mo kanina sa text umuwi ka sandali para mag-usap kayo ni Manang Emma diba? Kaya sasamahan na ulit kita sa clinic.’’

            ‘’Sinabi ko bang sunduin mo ako? Diba walang tao sa inyo?’’

            ‘’Eh gusto kung sunduin ka eh. At isa pa sinabi ko na kay Manang Emma na baka hindi pa agad makalabas si Xiao kaya kailangan may magbantay doon. Sa bahay naman namin, nagbilin nako sa mga kasambahay.’’

            ‘’Yun lang? Yun lang napag-usapan ninyo?’’

            Napangiti ito. Pilyong ngiti kaya bigla siyang kinabahan.

            ‘’Nagkwentuhan lang naman kami. Wala lang yun. Secret na namin ni Manang.’’

            ‘’May pa secret-secret ka pang nalalaman.’’

            Pangiti-ngiti lang ito habang patuloy silang nagkukuwentuhan. Nasa may highway na sila ng may mag overtake na motor sa kanila. Namukhaan agad niyang motor ito ni RJ at angkas nito si Shyrra.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon