COMPETITION

171 2 0
                                    

        Sinundo pa rin si Althea ni Zeke kahit tumanggi na siya. Alam niya kasing sesermunan lang siya nito na huwag ng sumali. At para matahimik ang nanay niya ay sinabi niya ritong manonood lamang siya at hindi na sasali pero ang totoo ay nasa loob na ng backpack niya ang mga gagamitin sa sayaw. Medyo iika-ika pa rin ang paglalakad niya pero uminum na siya ng dalawang pain reliever para mawala ang sakit. Iinum na lang ulit siya pagkatapos ng sayaw. 20 minutes lang yun at kakayanin niya.

            Inabutan siya ng gamot ni Zeke pagsakay niya sa sasakyan nito.

            ‘’Ano to?’’

            ‘’Alam ko namang di ka papipigil eh kaya bumili na ako ng gamot. Malakas na pampamanhid yan para hindi mo maramdaman ang sakit. Hindi kita tinotolerate ha.’’

            Napisil niya ang pisngi nito. “Sandali lang naman ang routine eh at isa pa whole day kaya akong nagpahinga kahapon. Salamat dito ha.’’

            “Isang ngiwi lang niyang mukha mo mamaya bubuhatin kita palabas ng gym Althea, tandaan mo yan.’’

            ‘’Ito naman, ang harsh mo. Ipanalangin mo na manalo tayo para naman sulit ang effort ko. At kasalanan ko naman kung bakit ako nasugatan eh kaya hindi dapat magsuffer ang team dahil sa katangahan ko ,diba?’’

            ‘’Excuses, excuses, excuses… Hindi ka talaga papatalo.’’

            Pagdating sa school ay naka-alalay lang si Zeke sa kanya hanggang sa dressing room nila. Nagbibihis na ang ilang dancers kaya ng makita siya ni Sir Vince ay pinabihis na siya. Mukhang effective naman ang gamot na ininum niya dahil hindi niya ramdam ang sakit sa paa.

            Nagmamake-up na siya ng lapitan siya ni Noemi at Beverly.

            ‘’Thea, masakit ba ang paa mo?’’ tanong ni Beverly.

            Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ang mga ito.

            ‘’Hindi naman. Bakit?’’

            ‘’Kasi kanina ko pa napapansing pa ika-ika ka. Sigurado ka ba?’’ si Noemi.

            Hinawakan niya ang mga ito.

            ‘’Okey lang ako. Medyo kinakabahan lang pero okey na okey naman. Ano ba kayo? Dapat manalo tayo rito.’’

            Mukhang hindi pa niya nakumbinsi ang mga ito kaya tumayo siya at naglakad para ipakitang hindi masakit ang paa. Napapakagat-labi siya pag tinapak ang sugatang paa. Mabuti na lang at pinatawag ang mga ito ni Sir Vince kaya nilubayan na siya.

            ‘’Thea gusto ka raw makausap ni RJ, nasa labas,’’ sabi ng isa nilang kasama. Nagulat siya at dahil gusto na niya itong iwasan ay sinabihan na lang niya ang kaklase na sabihin ritong abala siya.

            Nang magsimula na ang program ay uminum agad ng gamot na binigay ni Zeke si Althea. Pangatlo silang magpeperform dahil palabunutan ang naganap. Ginalaw-galaw niya ang paa para mawala ang kunting sakit na nararamdaman niya.

            Hindi na siya pwedeng mag back out dahil tiyak matatalo sila. Kahit anong mangyari ay sasayaw siya. Nilibot niya ang tingin. Puno ang gymnasium nila dahil iyon na ang parang main event ng school fair nila.

            Napatigil ang mata niya ng makita niya sina RJ at Shyrra. Nasa kabilang side ito ng gym nakaharap sa kanya. Panay ang bulong ng babae rito at manaka-nakang nagtatawanan ito.  Hindi niya naiwasang masaktan. Mukhang inlove na inlove ito sa isat-isa.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon