RESPONSIBILITY

142 1 0
                                    

        Balik na sa usual routine ang lahat. Araw-araw pa rin silang pumapasok at nasa 2nd grading na sila. Nilabas na rin ang ranking nila sa 1st grading at as expected ay nasa 1st si RJ samantalang nag second si Althea at pang third na lamang si Shyrra. Marami ang bumati sa dalaga. Pero hindi man lang siya binati ni RJ na nasa tabi ni Shyrra sa first class nila. Mukhang kinu-comfort nito ang dalaga. Wala pa ang teacher nila kaya maingay sa loob ng classroom.

            Napatayo siya ng may tumawag sa kanya. Nakita niya si Zeke sa may pinto. Naging constant textmate, callmate at visitor niya ito sa bakery. Naging malapit na rin ito sa nanay niya ngayon. Nakita rin niyang kahit babaero ito ay hindi naman nito pinagsasabay ang mga nagiging girlfriend. Marami lang talagang babae ang gustong maging 2nd, 3rd  o kahit na 4th at 5th wheel nito makilala lang na nobya nito.

            Lumapit siya rito at natawa siya ng sinuotan siya ng garland nito. Hindi ito kailanman nagpalipad hangin sa kanya na nagustuhan niya rito kahit hindi naman ito mahirap magustuhan dahil lagi itong nagpapatawa.

            ‘’Para saan to? Hindi pa graduation ah.’’

            ‘’Congratulations!!! Nakita ko sa bulletin second ka. Talino talaga ng bestfriend ko.’’

            Natawa siya. Ito lang naman kasi ang nagpauso na mag bestfriend na raw sila kahit iba na ang tsismis ng buong campus sa kanila. Tinagurian na nga siyang “Tamer’’ ng school dahil marami daw lalaki ang nagbago para mapansin lang niya.

            ‘’Loko-loko ka talaga. Pumasok ka na nga baka nandoon na yung teacher ninyo. At kayo,’’ sabi niya sa mga katropa nito sa basketball na naging kaibigan na rin niya at suki sa bakery. Taga Mandale din kasi ang mga ito. “Dalhin na ninyo ito sa room ninyo.’’

            “Sagutin mo na kasi para tumigil na sa kakadalaw dito sa room ninyo,’’ sabi ng isang kasama nito na binatukan agad nito.

            ‘’Loko-loko kayo inuunahan na naman ninyo ako,’’ sabi ni Zeke na ngumiti sa kanya.

            ‘’Sige na salamat sa garland. Alis na.’’

            ‘’Libre mo kami mamaya pag uwi. Dadaan kami sa bakery.’’ Habol pa na sabi ng isa.

            Napailing na lang siya at nakangiting babalik na sana sa upuan niya ng mafreeze ang ngiti niya ng makita ang nakakunot-noong mukha ni RJ. Wala na si Shyrra sa tabi nito, mukhang sa kabilang pinto ito lumabas. Nilagpasan niya ang binata para lang mapalingon ng hawakan nito ang braso niya.

            ‘’Hihintayin kita sa gate mamaya paglabas. Mag-uusap tayo.’’

            ‘’Bakit?’’

            Tumayo ito at tiningnan lang siya at binitiwan. Binitbit nito ang bag kaya napasunod na lang ang tingin niya rito. Saka pa niya napansing wala ng tao sa room.

            Matamlay na kinuha niya ang bag at mga libro. Nag eensayo sina Beverly at Noemi para sa cheerdance at nasa school play naman si Francis. Para iyon sa nalalapit na School Fair nila. Wala siyang sinalihan  sa mga iyon dahil nasa program committee siya dahil natuwa ang teacher sa naging resulta ng acquaintance nila.

            Hindi man lang siya hinintay ng binata. Hinintay pala siya para lang sabihing mag-uusap sila. Wala man lang congratulations mula rito sa pagiging second niya. Baka nagalit ito ng maging third lang si Shyrra. Mukhang may relasyon na ang mga ito dahil madalas itong sabay pumasok at sabay umuwi ni Shyrra.

BRIDGED OVER TROUBLED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon