Chapter Three

5.1K 164 11
                                    

She chose to wear a pink floral skater dress for the first day of her training. She wanted to look pretty but not too daring. She'll make sure to get Monti's attention and to make him notice her beauty.

Maaga siyang gumising ngayon dahil excited siya sa unang araw ng kanyang training. Hindi na muna niya iniisip ang kagustuhan niyang bumalik ng Amerika dahil mas gusto niyang unahin ang plano niyang magpapansin pa lalo kay Monti.

Gusto niyang patunayan ang sarili sa binata at gusto niyang marinig mismo sa bibig nito na nagagandahan ito sa kanya. At ang pinakagusto niya ay ang bawiin nito ang sinabi nitong isa siyang bata.

"Are you sure you're gonna be fine on your own?" Tanong ng kanyang Tita Mitch pagkababa niya mula sa kanyang kwarto. "I can go with you and we'll get through this day together." Alok nito.

"No Tita, I'll be fine. I can do this alone. Besides, I'm excited on the things I'm gonna learn today. I need to do this for our company." Sagot niya.

"Just call me if you need anything, okay? Huwag kang magpasaway doon ha, baka mahirapan si Vermont sa kakasaway sayo." Payo nito na ikinanguso niya.

"Tita naman eh." Reklamo niya.

"Siya sige na at magpahatid ka na sa driver papunta sa opisina." Anito at saka siya nagpaalam na.

Pagkahatid sa kanya sa kanilang opisina ay agad siyang inasikaso ng sekretarya ng kanyang lolo na si Tess.

"Miss Morissette, this is your office according to your grandfather." Wika nito habang naunang pumasok sa loob ng isang maliit na kwarto roon.

"This is my office?" Sa tonong hindi makapaniwala. "Why is it too small?" Reklamo niya.

"Ahmm, you're still in training period and soon you will have your own bigger office when you become the new CEO." Sagot nito na tila may pag-aalinlangan pa sa tono.

Sasagot pa sana siya nang may naunang magsalita roon.

"Why, you really expect that you'll be given a bigger office just because you're the heiress?" Malakas na wika ng binata. "You still have a lot to learn brat before you can become the next rightful CEO."

Kahit nainis siya dahil sa itinawag nito sa kanya ay ipinagkibit balikat lang niya iyon. Ayaw niyang sirain ang kanyang araw dahil nagsisimula pa lang iyon. Nagpaalam na si Tess at iniwan na silang dalawa.

Inayos niya ang sarili at ngumiti sa lalaki.

"Good morning Monti." Bati niya sa lalaki.

"First, you need to be professional through the manner of speaking, and the way you dress yourself." Sagot nito imbes na batiin siya pabalik. "You should address me as Mr. Santillan or Vermont. Do not call me by my nickname."

"Fine." At ngumiti rito. "Good morning Mr. Santillan."

"Good morning." Sagot nito na hindi man lang siya nginitian.

"Ano ang una mong ituturo sakin?" Tanong niya at lumapit pa rito.

He stepped back and he maintained some distance between them which she doesn't like.

Ngayon lang niya napansin na may hawak itong mga folders at ibinaba nito iyon sa ibabaw ng kanyang table.

"First, you need to read this. You need to know everything about the company and how it started."

Nagulat siya sa gusto nitong ipagawa sa kanya.

"Of Course I know all about our company-" he cuts her off.

"Trust me, there's a lot of things that you still don't know about your own company. So you should start reading this first." At saka siya iniwang magisa roon.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon