Chapter Eight

4.3K 126 8
                                    

It's been days since her grandfather made the announcement and it made a difference when everyone seems to be happy about it. Most of their employees were busy talking about their wedding soon and it made her really excited. But of course Monti wasn't exactly delighted with the idea.

Mas lalo itong naging mailap at talagang umiiwas na sakanya. Kahit pa gamitin niya ang lolo niya ay tumatanggi na ito. Hindi na rin niya masyadong napagkikikita sina Khaela at si Ditas sa warehouse nila, mukhang tumigil na ang dalawa dahil sa ginawa niya. Dapat lang dahil sa kanya lang ang binata at hindi siya nagbibiro noong sinabi niya na handa siyang gawin ang lahat. Kahit pa banggain ang sinong haharang sa daraanan niya para maangkin ng buo ang lalaki.

Isinama siya ng kanyang lolo sa La Fortalejo Hotel sa siyudad para sa isang meeting conference para raw matuto siyang makipagusap sa mga kliyente at mga business partners nila. Siya pa nga ang nagpresent ng kanilang proposal at walang kahirap hirap niyang nagawa iyon. Ganoon nga siguro kadali dahil apo siya ng isa sa pinakamagaling na businessman sa buong mundo.

Pagkatapos ng meeting ay nagpaiwan ang kanyang lolo roon sa conference at hinayaan siya na magshopping muna bago sila babalik ng Alcoy.

She was busy choosing some clothes for Monti when she bumped with Khaela.

"Oh look who's here!" Banat ng babae sa kanya. "It's the desperate little heiress." At ngumiti pa sa kanya ng may bahid na pang-aasar.

"I don't have time to chitchat with you because I'm kinda busy right now." Aniya at akmang tatalikuran na ito nang mariin siya nitong hinawakan sa braso.

"You're still young but you're already a slut!" Matapang nitong sabi sa harap niya. "Talagang gagawin mo ang lahat para lang makuha si Vermont no?"

Tinaasan niya ito ng isang kilay at ngumiti nang mapang-asar din.

"Yes!" May diin niyang sagot.

"Talaga? Kahit magmukha ka pang desperada sa harap niya ay gagawin mo pa rin?"

"Oo" Matapang niyang sagot.

Bigla naman itong bumalanghit sa tawa. Pinagtatawanan siya nito, dahilan para ang ibang mamimili roon ay mapatingin sa gawi nila.

"Really huh?! I admire your determination and desperation, brat. But do you really think that you can have him now because of your stupid little action? Sa tingin mo ba magugustuhan ka niya ngayon dahil lang sa ipinangalandakan ng lolo mo ang pagpapakasal ninyo?" At muli itong tumawa nang may bahid nang pang-iinsulto. "Hindi mo mapipilit si Vermont na pakasalan ka. Dahil sa ginagawa mo ay mas lalo mo lang siyang binibigyan ng dahilan na ayawan ka. Kahit ibigay mo pa sa kanya ang lahat ng bagay na mabibili ng pera mo ay hindi ka pa rin niya pipiliin sa huli!" At lumapit pa ito sa kanya. "He doesn't like you from the start, so If I were you just quit it, brat."

Kahit na may kaunting epekto sakanya ang mga salita nito ay hindi siya nagpahalata. Hindi siya papayag na magpakita ng kahit kaunting reaksyon ng kahinaan rito.

"Are you done?" Tanong niya habang nakataas pa rin ang isang kilay at may ngiting mapang-asar. "I still need to do some shopping." At tinalikuran na ito nang tuluyan. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang siya ay napahinto siyang muli dahil sa sinabi nito.

"If you want to embarrass yourself in the whole crowd then suit yourself. Don't say I didn't warn you if he refuses you in front of the altar." Then she heard her footsteps, walking away from her.

Napalunok siya at saka huminga nang malalim. Tila may mabigat na bagay na parang dumagan sa dibdib niya nang sinabi nito iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo para maalis ang mga bagay na nagsisimulang lumitaw sa isipan niya. Ayaw niyang bigyan ng importansiya iyon dahil mas gusto niyang bigyan ng pansin ang mga bagay na dapat niyang gawin para mas lalong matali na sakanya si Monti.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon