Morning came and a new day has arrived. And for Morissette it is also the start of a new mission for herself- that is to steal Vermont away from his fiancee.
She's ready to face the consequences of her own actions. She's ready to do whatever it takes to own him again. 'Whatever it takes.'
Maaga silang gumising sa araw na iyon dahil naka-schedule sila para sa isang island hopping. Hindi na sumama pa sina Faye at Tyron dahil may takot pa din ang dalaga dahil sa nangyari rito kahapon.
Napasipol si Tyler nang makita siya paglabas niya ng hotel. Nakasuot kasi siya ng two piece black stringed bikinis na tinakpan lang niya ng isang sarong. Naroon na ang iba malapit sa daungan ng bangka maliban sa mag-asawang Aragon na kasunod lang din niyang lumabas.
Lumapit na siya sa kanang tabi ni Tyler pero nang lumingon si Monti ay lumipat siya ng pwesto sa kaliwa para batiin ito.
"Good morning." Nakangiti niyang wika rito.
"Morning." Sagot nito na tila nagtataka sa masiglang tono ng boses niya.
Bigla namang sumingit si Khaela na mataray ang tingin sa kanya.
"What's with you today? You look happy, why?" Tanong ng dalaga sa kanya na sinisipat pa siyang mabuti.
Mas lalong lumuwang ang ngiti niya para ipakita rito na talagang masaya siya.
"I am happy." At lumapit pa rito para bumulong. "But I can't tell you the reason on why I am happy, because for sure, you will become unhappy." At sabay kindat pa niya rito.
Kumunot ang noo nito at sabay irap sa kanya at nagmartsa na para sumakay sa bangka. Nilingon naman siya ni Monti at ito naman ang kinindatan niya. Kita niya na sumilay ang isang ngiti rito habang umiling pa nang bahagya.
Lahat sila ay nagsi-sakay na sa bangka at naglayag na papunta sa unang isla na pupuntahan nila. Nang makarating na sila sa Crocodile Island ay hinayaan sila na mag-diving or snorkeling kung gusto nila. At dahil natakot na kahapon si Khaela na magdive ay nagsnorkeling na lang ito kasama ang nobyo.
Ang mga matatanda naman ay nagsikuha na lang ng mga litrato. Samantalang sila ni Tyler ay nagfree diving. Sinasadya niya na doon sila malapit sa pwesto ng dalawa para nakikita niya ang binata at kung ano ang ginagawa nito.
Isang oras lang sila roon at nagsi-ahon na para pupunta naman sa isa pang isla. Naunang umahon si Khaela at nang aahon na si Monti ay nagkunwari siyang pinulikat kaya't bumalik ito sa dagat at tinulungan siya.
"Relax," wika ng binata habang sinusubukang masahiin ang kanyang binti sa ilalim ng tubig.
Masama ang tingin na ipinukol nito sa kay Tyler na hawak siya sa baywang para hindi siya lumubog.
"Monti, halika na rito!" Sigaw ni Khaela mula sa bangka.
"You go ahead Santillan, I can take care of Reese here." Anas ni Tyler na hinihila na siya palayo kay Monti.
Pero agad na hinawakan siya ng binata sa braso at sa isang iglap ay napunta na siya sa mga bisig nito.
Kahit nakababad sila sa tubig ay may kakaibang init siyang nararamdaman at hindi niya maintindihan kung bakit parang kinikiliti siya sa may bandang puson paibaba.
"No." Mariing pagtanggi ng lalaki. "I got this Mendez, you go ahead." At mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kanya.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa hanggang sa si Tyler na ang sumuko at naunang lumangoy pabalik ng bangka. Nang sila na lang ang naiwan ay halos hindi siya humihinga dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso at sa tingin niya ay naririnig ng binata iyon.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Fiksi UmumWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...