Chapter Six

4.6K 138 5
                                    

The fact that Morissette has finally admitted to herself that she was falling for Vermont, made her become more eager to pursuit the man.

Mas lalo siyang ginanahan na magpapansin at makalapit sa binata. At kahit madalas na iniiwasan siya nito ay pilit pa rin siyang gumagawa ng paraan para makadikit sa lalaki.

Nagiging tampulan na rin sila ng tukso sa opisina at nagsisimula nang umugong ang balita na baka ang lalaki na ang susunod na mamamahala sa kumpanya nila kapag sila ang nagkatuluyan. Sang-ayon naman siya roon dahil mas may alam at mas maabilidad si Monti sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya kumpara sa kanya.

Pero kahit ganoon na ang nagiging bukambibig ng mga tauhan nila ay nananatiling ilag sa kanya ang binata. Madalas pa rin na si Ditas ang kasama nito, o miminsan niyang naaabutan na kasama din nito si Khaela Aragon kapag nagpupunta ang babae roon.

Selos na selos siya at gusto niyang bakuran na ang binata. Gusto na niyang markahan ang lalaki at ilalagay niya ang - Official property of Morissette Allfryda Tee, para wala nang lumapit pa o mang-angkin na iba rito. Sa kanya lang si Monti, sakanya lang ng buong-buo at walang kahati.

She's becoming more possessive each day and she likes it but it scares her at the same time. She's scared of what she can do, when being this territorial. She can and she will hurt anyone who dares to stand in her way.

Nakabalik na ang kanyang lolo mula sa isang meeting sa Maynila at kinamusta siya nang husto sa kanyang training. Takang taka ito dahil hindi na niya gustong bumalik pa sa Amerika, pero mas nangingibabaw ang kasiyahan dahil mas gusto na niyang manatili rito sa Alcoy.

Kasalukuyan silang nag-aalmusal, at dahil weekend ay hindi na naman niya makikita ang lalaki. Nasanay na rin siya na sa tuwing weekend ay pinupuntahan niya ito sa bahay nito, kagaya ng ginawa niya noong nakaraang dalawang linggo. At noong isang linggo naman ay naroon na ang ang ina at kapatid ng lalaki kaya't mas lalo niyang nakilala ang pamilya dahil nagbonding sila nang husto.

Ngunit ngayong araw ay hindi siya makakapunta sa bahay ng mga Santillan dahil mayroong importante siyang lakad.

"I'm planning to give you a party next weekend. I'll be introducing you to everyone as my granddaughter, the heiress of our family and the sole successor of M.A.T. Crafts and Bullets. They should know that you'll be the next CEO of the company." Wika ng lolo niya sa hapagkainan.

Nagkatinginan naman silang magtiyahin at saka siya bumaling sa kanyang lolo para tumango at ngumiti rito.

"So you're going to announce that Reese will soon take over your position, Papa?" Tanong ng Tita Mitch niya. "Isn't it too early for that? Ang bata pa ni Reese para matali siya sa kumpanya. Dapat ay pag-aaral ang inaatupag niya muna at dapat ay ini-enjoy muna niya ang buhay bilang teenager. She's just eighteen, Papa." Nag-aalalang sambit nito.

"She can still enjoy her life while running the company. I want her to take my place soon, coz I won't be here forever to guide her. You know how important this company to our family Michelle, to me. This is my legacy, the legacy of the Tees and I want to leave it to someone as capable as me to take care of it. No one can better run this company than my own blood. Kung narito lang sana si Thirdy." Ani ng matanda na ang tinutukoy ang kanyang ama.

"Wala na si kuya, Papa, pero wag naman sana nating pilitin si Reese kung ayaw niya. Baka hindi ito ang gusto niyang gawin." At saka siya tiningnan ng tiyahin. "Itinuring ko na siyang anak at ayaw ko po na basta niyo na lang siya itatali sa isang sitwasyon na hindi niya gusto, na hindi na siya makakawala pa kahit gustuhin pa niya."

Naintindihan niya ang tiyahin at kung ano ang pinanggagalingan nito. Nang mamatay ang lola niya ay ito na ang nag-alaga sa lolo niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay ito rin ang isa sa nag-alaga sakanya at ang umalalay sa lolo niya sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ni hindi na nito nagawang mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya dahil ibinuhos na nito ang sariling oras para sa kanila.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon