Chapter Thirty

5.2K 159 8
                                    

She finally learned the whole story behind what happened to her parent's and grandfather's death. Sanford confessed everything to her before she flew back to the Philippines.

Alexander Sanford is a very powerful man like her grandfather Don Manuel Alfonso Tee. He proposed a partnership but her old man turned him down.

Kaya ipinapatay nito ang mga magulang niya para magsilbing aral daw iyon sa lolo niya. Na walang nakakatanggi sa isang tulad ni Sanford.

Sinadya na tinanggalan ng preno ang sasakyan ng mga magulang niya kaya pati ang ama ni Monti ay nadamay. Dahil roon ay naulila siya ng maaga.

Kaya siya inilayo ng kanyang lolo at dinala sa Amerika para maprotektahan. Kaya pala simula bata siya ay may mga bodyguard na nagbabantay at naghahatid sa kanya papasok ng eskwelahan. Akala niya ay normal lang iyon dahil isa sila sa pinakamayaman na tao sa Pilipinas pero iba pala ang rason.

At nang inakala ng lolo niya na wala nang gulo ay saka sila bumalik ng Pilipinas noong dalaga na siya. Pero may iba pa lang pinaplano si Sanford, iyon ay ipasok ang pinsan niya bilang kliyente nila noong una.

The Aragons became one of their dealers to sell their customized guns. But it was just a play all along so that they can get to enter their company and try to sabotage them.

Pagkatapos ay biglaang nagtayo rin ang mga ito ng sariling kumpanya para kalabanin sila. At nang malaman iyon ng kanyang lolo ay tinangka nitong ipahuli ang mga Aragon kasama si Sanford.

But these pawns of devil knows how to play dirty and hired a professional killer to plant a bomb inside their private plane and blew it up in midair, killing her grandfather.

And from there, the Aragons has gained so much by stealing their clients. But the real reason why they put up that business is to export illegal drugs worldwide.

Ginagamit nito ang mga sariling baril at armas na gawa bilang taguan ng mga droga para maideliver sa ibang bansa ng walang problema. Dahil lehitimo ang kumpanya ay hindi ito basta basta masisilip sa customs kaya napupuslit nila iyon kahit kailan nila gusto.

Pero ang mas kinagagalit niya ngayon ay ang pamimilit ng mga ito sa kanyang tiyahin na magpanggap na ang kumpanya nila ang totoong may kinalaman sa mga illegal na droga.

Dahil sa ginagawang pag-iimbestiga sa mga Aragon ay tinakot nito ang kaniyang tiyahin na akuin ang lahat at magpanggap kapalit ng kaligtasan niya.

Kaya pala ilang beses na may nagtangka sa buhay niya ay dahil para takutin ang Tita Mitch niya. Nag-umpisa iyon noong nasa isla sila ng Boracay at may gustong dumakip sa kanya. Palalabasin nila na kidnap for ransom iyon para matakot ang ginang at pumayag sa gusto nina Hilda.

At nang hindi naging matagumpay ang pagdukot sa kanya ay mayroon namang umatake sa kanya sa kanyang bahay at doon nga siya nabaril.

Iyon ang nagtulak na sa kanyang tiyahin na umoo sa mga ito kaya siya pinauwi ng Cebu. Kaya pala tumigil na ang mga nagtangka sa kanya dahil roon.

At nang pinasok niya ang warehouse ng mga Aragon ay mas lalong lumala iyon para sa tiyahin, kaya naman ipinagtulakan na siya palayo para mailayo siya sa gulo.

Kawawa naman ang Tita Mitch niya, pinapasunod na parang robot. At ang pinakamasakit ay ang nadamay na ang kanilang pinaka-iingatang kumpanya.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon