Chapter Seventeen

5.3K 167 10
                                    

She doesn't seem to care about the people around them when she kissed him. All she cares about is him and the feeling of his soft lips on hers. It was like a dream come true for her. But just like any other dream, she still needs to wake up to reality.

"So, does the kiss erased your anger, Baby?" She asked with a playful grin on her lips.

Kung titingnan niya ang sarili sa salamin ay parang hindi man lang siya apektado sa halik na namagitan sa kanila. Ngunit ang totoo ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang mga binti dahil parang nanlambot ito nang todo. At ang pinakahuli ay ang kakaibang init na lumukob sa kanyang buong katawan.

Sanay na kasi siyang magkunwari, o hindi ipakita ang totoong nararamdaman. Isa kasi iyon sa natutunan niya sa kanilang ahensiya. Kayang-kaya niya na ipakitang masaya siya kahit ang totoo ay durog na durog na siya. Ganoon siya kagaling sa pagpapanggap.

Hinihintay niya ang sagot nito pero nanatiling nakatigtig lang sa kanya ang binata. Pagkabigla na ang nakarehistro sa mukha nito at hindi na galit. Kung ganoon ay epektibo naman pala ang ginawa niyang paraan para rito.

Naputol lang ang pagtititigan nila nang may tumikhim sa kanyang likuran at nang lingunin niya iyon ay ang seryosong mukha ni Faye ang tumambad sa kanya.

"I think we should go now, Reese." Aya nito sa kanya at saka bumaling kay Monti. "I believe you still have some meeting to attend to, right?"

Tumango lang ang binata bilang sagot at saka sila tinalikuran para iwan na roon. Gusto sana niyang pigilan ito dahil ni wala pa itong sagot sa tanong niya. At isa pa, gusto niyang malaman kung ano ang naramdaman nito sa ginawa niya. Nagustuhan din ba nito iyon gaya niya?

Pero hindi na niya nagawa dahil naroon si Faye. Hindi naman sa natatakot siya na baka sabihin ng dalaga ang nangyari sa pinsan nito kundi ang maaaring mangyari pagkatapos niyon, baka mas lalo siyang mahirapan sa pansariling misyon niya kapag naguwardiyahan na nang todo ang binata.

"Let's go?" Tanong niya na nginitian lang ng tipid ng babae.

Nag-iba na ang ihip ng hangin sa loob ng kanyang sasakyan. Noong papunta pa lang sila sa mall ay masaya silang nagkukwentuhan pero ngayon ay pareho silang tahimik. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang sabihin para gumaan ulit ang atmospera sa pagitan nila.

"Pagkababa mo sa akin sa opisina, pwede ka nang umalis dahil baka may kailangan ka pang puntahan o gawin." Ito na ang naunang magbasag ng katahimikan sa kanila.

"Okay." Tanging sagot niya. "Ahmmm, about what you saw back in the mall-" she cuts her off.

"Look Reese, I like you as a friend but Khaela is still my cousin and I think what you did was totally wrong." Diretsang litanya nito sa kanya.

"I know. Pero iyon lang kasi ang naisip ko kaninang gawin para mabura sa isip ni Monti ang galit at baka mapatay pa niya yung pobreng mama." Paliwanag niya.

"I understand, but still that wasn't enough reason to just kiss him like that." She saw in her peripheral vision that she quickly glanced at her before laughing lightly. "But it really worked, huh. He did forgot about the man and became pre-occupied about what you just did."

Natawa na din siya.

"Yeah." At siya naman ang lumingon saglit rito. "Are you going to tell Khaela about that?"

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon